~Past; The chapter 34’s continuation~ MITSUKI’S POV Masaya ako sa pag-iikot naming dalawa ni Ashton na magkasama. Hindi nito binitawan ang kamay ko at napapatingin ako doon. Nang makalabas na kami ng museum ay nag-unat ng braso si Angelique at saka siya tumingin sa amin ni Ashton. “Nakakainggit,” sabi nito at saka siya ngumuso. “Tanga ka kasi pumili ng lalaki ayan tuloy single ka pa rin,” sabi naman ni Gladys. Naiiling naman si Zett sa dalawa at natawa naman ako. Napagpasyahan na naming kumain kasi medyo nagutomna kaming dalawa. Dinala ako ni Ashton sa kotse niya at pinagbuksan ako nito ng pinto. Sumakay na ako at iniharang pa niya ang kamay niya sa ulunan ko para hindi ako mauntog. Nang makasakay na ako ay saka na niya sinara ang pinto at saka siya umikot papunta ng driver seat.

