Hindi ko na sinubukan pa na magsalita nang dahil sa sinabing 'yon ni Elie. Panay din ang titig niya sa lalaking kasama ko na para bang sinusuri niya maging ang kaloob-looban ni Gavin. I don't even know what to feel because of what she's doing. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya nang dahil do'n. Buti nalang ay hindi na rin naman siya gaanong iniintindi ni Gav. Hindi ko na kailangan pang mag-alala kung nawe-weirdohan ba siya sa kinikilos ng babaeng ka-trabaho ko. "Tara na sa loob. Huwag na kayong mag-lampungan pa r 'yan at baka may customer pang mambato ng kamatis sa inyo sa pagiging PDA n'yo," pang-aasar pa ni Elie. Mas lalo kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko nang dahil do'n. Nakayuko na ako habang nagsisimulang maglakad papasok ng café sa sobrang pagkapahiya. Panay

