"Why didn't you tell them the truth?" Binalingan ko ng tingin si Gavin nang marinig ko siyang magsalita. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay napansin ko ang pagkapahiya na rumehistro roon. "I-I'm sorry, I didn't mean to butt in. I'm sure you have a reason to hide it—" "It's okay, Gav. Alam ko naman kung bakit mo naitanong 'yan. Bakit nga ba kasi hindi ko nalang sinabi sa kanila para hindi na humantong sa ganito," pagputol ko sa sasabihin niya sabay baling ng tingin kay Mama. Isang oras na ang nakalipas simula nang maihatid ako rito ni Gavin. Akala ko ay aalis siya kaagad pagkahatid niya sa akin pero hindi ganoon ang nangyari. He told me that he'll stay for a bit and join me. Hindi man niya sabihin pero alam ko na naaawa siya sa akin. Well... Dalawa ba naman sa mga kaibigan

