Masaya ang gabing 'yon dahil sa mga kasama ko. They made me laugh like I have no problems to think to. "Oh, sino na susunod na kakanta? Magsikanta naman kayo! Nag-karaoke pa tayo!" Sigaw ni El na may kaunting tama na ng alak sa kaniyang sistema. Hindi naman namin mapigilan ang hindi matawa lalong-lalo na si Sunny na sumasabay sa kakulitan niya. Silang dalawa lang naman kasi ang umiinom ng alak na binili namin dahil wala rin naman akong hilig sa pag-inom. And besides, their behaviour says it all. I can't drink while they're like this. Baka mamaya ay lumabas ang isa sa kanila at gumawa ng kalokohan. Ako lang ang natatanging pwedeng mag-alaga sa kanila kaya hindi talaga ako pwedeng uminom. No alcoholic drinks for me. Just juice. Napailing-iling ako nang lumapit si Sunny sa kaniya at p

