CHAPTER TWENTY EIGHT “Gail!” Kung puwede lang niyang paliparin ang speed boat kung saan sila sakay, baka kanina pa niya iyon ginawa. Nakita niya ang asawa, nakahiga sa sahig while Ashton looking at her with eyes widely opened. Parang takot ito at hindi alam ang gagawin. Bigla siyang sinaklob ng takot. Kinakabahan siya na hindi mawari. “I’m here, My Wife. Please hold on.” Agad siyang tumalon papuntang yate nang malapit na sila. Mabilis na tinakbo niya ang kinaroroonan ng asawa. “I’m here, My Wife. I came.” Agad niya itong kinalong at hinawakan sa pisngi pero hindi ito sumasagot. Mas lalo siyang natakot nang makitang duguan ang ilalim na bahagi ng katawan nito. Galit na binalingan niya ang kapatid na hindi pa rin makahuma sa kinatatayuan. Limang taon mula noong huling nakita niya it

