Chapter 58 “Hindi pa rin siya umuwi, kahit kanina. Saan kaya siya nagpunta?” kinakabahan kong tanong kay Zell na ngayon ay nasa kwarto namin ni Kiarra. “Kailan mo pa nalaman?” sunod kong tanong sa kaniya, siya naman itong tumingin sa akin at ngumiti. Isang ngitin na mapait, “Nu’ng nagkaroon ng issue sa cr?” doon? Doon niya nalaman? Bakit hindi ko nalaman! “Ibig sabihin ay nalaman mo na talaga, noon pa? Bakit hindi mo sinabi sa’min?” ani ni Mellisa na tila parang natataranta rin. “Ikaw? Kailan mo nalaman?” ako naman ngayon ang tinanong ni Zell, kinagat ko ang aking labi. “S-sinundan ko kasi siya, nagtataka na ako sa mga galaw niya.” kita ko ang pagtungo niya, “Halata nga na alam mo na, kasi masyado mong binabantayan lahat ng kilos niya.” kinabahan ako sa kaniyang sinabi, hindi kay

