CHAPTER 11 HINDI ako mapakali sa aking inuupuan, habang ang katabi kong upuan ay bakante. Doon kasi ang pwesto ni Kiarra, kagat-kagat ko ang aking labi. Halos lumalabas na ang puso ko sa aking dibdib, dahil sa kaba. “Ayan ang napapala ng mga taong hindi marunong ilugar ang sarili.” napapikit ako sa aking narinig, may nangyari na ngang masama ay ganiyan pa rin sila? Hindi ko na iyon pinansin, gusto kong ikalma ang aking sarili mula sa kanila. Ayoko nang marinig pa ang sasabihin nila, baka mamaya ay masabunutan ko sila. “Ano na kaya ang nangyari kay Kiarra?” kasama ko ngayon si Zell at Mellisa sa cafeteria, “Wala ka pa rin ‘bang balita, Switzell?” umiling ako, wala kasi talaga akong kaalam-alam sa nangyari, nagulat na lamang ako na bigla na lang nahimatay si Kiarra at dinala sa ospital.

