CHAPTER 20 Kyo’s POV Nahihirapan akong pakisamahan ang mga babaeng ito, ganito ba ang mga klaseng kaibigan ang nakakasama ni Kiarra sa araw-araw? Kaya pala nakukuha niya ang kabustusan, dahil sa bibig ng babaeng ito. Ngayong nasa cafeteria na kami ay hinayaan ko lamang siya na um-order ng kaniyang gustong kainin, ngunit nang makita kong hotdog lamang iyon ay nagtaka ako. Hindi ko minamaliit ang hotdog, kung iyon ang mura. Nakakain na rin naman na ako no’n at aminado akong masarap iyon. Ngunit hindi naman pwedeng araw-araw ang pagkain no’n. “Saka balita ko playboy iyong si Kyo!” halos maduwal ko ang aking kinakain dahil sa babaeng ito na nasa harapan ko, pinag-uusapan nila ako. At nakakawalang gana pa roon ay panay walang kwenta lamang ang kanilang sinasabi. Okay sana kung sinabi n

