Chapter 59 Napalunok akong tignan si Kyo, kinabahan ang mga kamay kong pinaglalaruan ko lamang. Hindi ako makatitig sa kaniya, kahit nga ang pagsulyap ay hindi ko magawa. Pinangungunahan ng kaba ang aking dibdib, bakit siya narito? Ano bang klaseng tanong iyan, kapatid niya ang naririto kaya siya narito. "S-sinasabi mong matagal mo nang alam?" tanong iyon sa akin ni Kiarra muli, pinupunasan niya ang kanyang mga luha. Nakayuko lamang akong sumilip sa kanya at tumungo. "Stop crying.." utos ni Kyo, kita ko ang pagtikom nang kaniyang mga labi. "B-bakit hindi mo sinabi agad na alam mo na? Why you hide it too, from us?" lumingon ako kay Kyo na nakatingin sa akin. Walang nakakatakot sa tingin niya, para lamang akong tinitignan nang may pagtataka sa kanyang mga mata. "Tinago niyo nga, 'di ba.

