Chapter 47 Dumating ang sabado nang tila kinakabahan ako, lalo na ngayon ay alam kong aalis kami. Iniisip kong pagmulat ko ngayon ay maaring wala na si Kyo, hindi ba't kada sabado at linggo ay nawawala siya? Umaalis siya? Nang minulat ko ang aking mga mata ay hindi na ako nagtaka, kung bakit wala akong nakitang Kyo sa kwarto namin. Batid kong umalis na nga ito, hindi naman iyon nagpapaalam sa akin, kung ano lang trip niya ay gagawin niya. Minsan nga ay naiinis na ako, paano kapagnahuli siya? Edi, sayang naman ang pinaghirapan ni Kiarra at ng sarili niya? Umiiling-iling akong umupo mula sa aking kama. At nang humikab ako ay kasama na doon ang pag-stretch ng mga kamay ko. "Good morning!" bati ko, kahit wala namang makakarinig, kung hindi ang sarili ko lang. Nakaka-miss naman sina nanay

