CHAPTER 7
“KUMAIN KA NA BA?” nahihiyang tanong ko nang makalabas siya mula sa banyo, “You don’t need to ask me, I will eat if I want to.” natikom ko ang aking bibig, bakit ba ganito niya ako pakitunguan? Napansin kong tumingin siya sa aking ding-ding, ang pagsinghap niya lamang ang aking narinig at bahagyang tumingin sa akin. Mabilis siyang umiga sa kama niya at tinalukbong ang kaniyang kumot sa kaniyang mukha.
“A-ano, wala kasi akong alam pa sa Manila..” kinagat ko ang aking labi, ayoko siyang maistorbo kung sakaling magpapahinga na siya. Iyon kasi ang totoo, wala akong alam sa lugar dito. Ni hindi ko nga alam kung saan naka locate ang cafeteria, at base sa nangyari sa akin kanina ay parang ayokong makisalamuha sa mga babaeng nag-aaral at nagbabayad sa paaralang ito. “May cafeteria ‘ba na tanging mga scholar lang ang kumakain don?” hindi nanaman siya sumagot, tinignan ko ang aking relo. Mag-aalasais na pala, ni hindi ko man lang siya nakitang kumain ng kahit ano?
Wala ba siyang pera? Totoo kaya ang sinasabi ng iba sa kaniya?
“Maghahanap muna ako ng makakain ah!” hindi ko na hinintay ang kaniyang sagot, agad na lamang akong tumayo. Mahaba-haba na rin naman ang aking napahinga, at hindi rin naman ako gano’n kapagod, sadyang nasiyahan lang ako sa library kanina. Masyadong maraming libro at gusto ko n’yon, mahilig kasi ako magbasa ngunit sa kahirapan at mahirap makabili ng libro at tanging sa book sale lamang ako nakakabili ng tagmamagkanong libro, ngunit lahat naman iyon ay magaganda.
“Hoy! Ang swerte mo bakla!” pagbukas ko pa lamang ng pinto ay bumungad na sa akin si Chrizell, kasama niya si Mellisa. Nakasabit ang kaniyang braso sa braso ni Chrizell, “At may kasama kang artista sa loob,” pagtutukoy niya kay Kiarra, “Nako, may hindi pa ikwenekwento ‘yan sa akin!” dagdag ni Mellisa, “Hindi naman siya artista,” mahina kong tugon, baka kasi marinig niya at ma-disappoint siya, “Gaga! Ito! Laging probinsya talaga! Artista ka na rin syempre dahil artista ang kapatid niya!” sunod na salubong ni Chrizell.
“Hindi ko pa siya napapanood sa tv, kaya hindi siya artista para sa akin.” totoo naman ang aking sinasabi, sa isip ko ay baka nag-adjust siya ngayon. Kung totoo man ang bali-balita ay dapat hindi na ako makiusisa pa sa kaniya, ayokong ring pinapakialaman ang buhay ko at ija-judge nila, kahit wala naman silang alam sa totoong nangyari sa buhay ko.
“Siguro nga talaga at pinalaya-”
“’Wag na tayong makialam sa buhay ng iba.”
“Ay! Gano’n pala ikaw! Kaloka!” natatawang sabi ni Mellisa, mukhang hindi sila makapaniwala sa inasal ko. “Pantay-pantay lang naman tayo, iba pa rin talaga ang nag-aral ka at ginamit mo ang utak mo, kaya tayo libre sa paaralang ito dahil may utak tayo.” panimula ko, binitawan ko ang door know, “Tama-tama!” tango-tangong pagsang-ayon ni Chrizell, sumunod naman na tumango si Mellisa. “Kaya, sana ‘wag na lang tayong gumawa ng ikasisira ng iba, o hindi naman kaya ay ikakasama nila. Mahirap na,” natatawang sunod kong sambit, ngumuso naman ang dalawa.
Naglakad na kami papalayo, tatlo kaming nagugutom at hindi alam kung saan bibili ng pagkain.
“Balita ko ay kinalat mo raw na pinsan ka ng sikat na artista?” nakagat ko ang labi ko sa tanong ni Mellisa, nahihiya ako sa pinaggagawa ko. Ginawa ko lang naman iyon, dahil feeling iyon lang ang paraan para matigil ko ang ginagawa kay Kiarra, hindi ko naman alam na magiging ganito kalala. “Hay nako, ‘tignan mo ‘to! Nahihiya si gaga! Samantalang siya naman ay may gawa ng kahihiyan niya!” saka tumawa ang dalawa, well siguro sila talaga ang depinasyon ng kaibigan.
“Nagugutom na talaga ako,” mahina kong sambit, kumukulo na ang tyan ko at palagay ko’y narinig nila iyon sa sobrang lakas. Tahimik kasi kaming bumababa sa hagdan, “Halata nga, kaso ang poblema ay hindi ko rin alam ‘kung saan tayo bibili?” iyan rin ang nasa isip ko, hindi kasi masyadong na tour ni ate Joy, kung mayron man ay iyong ibang scholar iyon. “Katukin kaya natin si Ate Joy?” agad kaming umiling sa gusto ni Mellisa, baka kasi pagod iyon.
“Isa ka ring gaga, alam mo namang pagod rin si ‘te Joy.”
“E, pa’no ‘yan?”
“Edi, hahanapin natin!”
Dalawa silang nagtatalo, minsan nga ay nahihiya na ako. Lalo na nang makalabas na kami sa building namin, “Bukas pa naman ang cafeteria sa loob hindi ba?” para kaming tanga na naghahanap ng cafeteria, “Hello! Ano, bago lang kasi kami rito. May tindahan ba rito?” tanong ni Mellisa sa isang babae na aminado akong maganda at matangkad. Tinignan niya kaming tatlo, simula ulo hanggang paa. Kahit ako ay napatingin rin sa akin, simula ulo hanggang paa.
“Well, anong tindahan ba? You mean? Convenient? or sari-sari store?” maarte niyang tanong, “Ay, may sari-sari store ba rito?” tila nasiyahan ang mukha ni Mellisa, mukhang hindi niya nahalata ang pinararating ng babae sa amin. “Duh! I knew it! You guys are scholars here, right?” nagkatinginan kaming tatlo, mukhang nahalata na nila.
“I don’t usually talk to dirt people, and lastly I don’t want to hurt your feelings. So, I didn’t know how to tell you guys, where exactly the stores for poor people.” saka siya ngumiti sa amin, tila ang kaniyang kamay ay parang nagdadasal. “Poor people? Hindi mo alam na taga pagmana ng hasyenda itong si Chrizell?” medyo malakas ang boses ni Mellisa, napatingin ako sa kaniya pati si Chrizell. Hinila ni Chrizell ang kaniyang braso, ngunit nagtaas noo lamang si Mellisa. “At itong si Switzell naman ay pinsan ng sikat na artista! Ikaw sino ka ba?”
“Anak ng mayor,” taas noo niyang sagot kay Mellisa, nakita ko kung paano niya banggain ng siko si Chrizell, tila nanghihingi ng tulong, “Duh too! Hindi ba alam na anak rin ng mayor itong si Mellisa?” kumunot ang noo ng babaeng kaharap namin ngayon, “You didn’t know, right?” nag-iinarteng tanong ni Chrizell, “At itong si Switzell? May boy friend ‘yang mayaman at artista!” nagulat nanaman akong muli, bakit nanaman niya ako nadamay! “Sino ba iyong boy friend mo?” halos kinabahan na ako, ano ang pangalan na sasabihin kong boy friend kong mayaman at artista? Ni manliligaw nga ay wala ako!
“S-si..”
“Sino! Bilisan mo!”
Mahinang bulong sa akin ni Chrizell, “Si Kyo!” saka ako napalunok, tinaas ko ang aking noo. Tila proud sa aking sinabi, kita ko ang pagtawa ng babae. “Kyo? Vallino?” natatawang tanong niya, “Iyon ba ‘yon?” tanong ni Mellisa sa akin nang mahina, hindi ko alam na sobrang sikat niya talaga. “Mukhang hindi na niniwala, sino ba ‘yung sinabi mo?” tanong niya muli sa akin, nakagat ko ang aking labi. “Iyong sikat na sikat..” nasapo niya ang kaniyang noo, “Kyo Vallino? Iyong sabi ay kapatid ng ka-dorm mo?” tanong ni Chrizell, saka ako tumango.
“Alam niyo, wala na akong time makipaglokohan sa inyo.” natatawang sabi sa amin ng babae, “Totoong girl friend siya ni Kyo!” sigaw ni Chrizell, hinawakan ko kaagad ang kaniyang kamay. ‘Wag niya ng ipilit dahil mali! Dahil hindi naman totoo! “Talaga? Any patunay?” maarte niya pang tanong sa amin, kita ko ang pagkagat ng labi ni Mellisa, “Itong babaeng ‘to, nagtanong lang naman kami ‘kung saan pwedeng mabili na pagkain, napunta pa sa ganitong usapan!” mahina nanaman niyang bulong, “Ano.. Oo! Kiarra!” nagulat ako sa tawag ni Chrizell kay Kiarra na ngayon ay naglalakad, napahinto ito at tumingin sa amin. Tinaas niya ang kanyang kilay na tila nagtatanong kung bakit siya tinawag.
“Siya ang magpapatunay!” kita ko ang pagkunot ng noo ng babaeng nakatayo ngayon sa aming harapan, ang kaniyang kilay na kanina ay kalmado lamang ay biglang tumaas. “Kiarra? Oh god, totoo nga?” mabilis siyang pumunta ang babae sa tabi ni Kiarra, kita ko ang gulat sa mga mata ni Kiarra. “Excuse me? Who are you?” kalmadong tanong ni Kiarra, “Nako! Sabihin mo sa kaniya ang totoo, Kiarra! Hindi ba’t girl friend ni Kyo si Switzell?” mabilis na kumapit si Chrizell kay Kiarra at tanging gulat na mukha lang ni Kiarra ang tumingin sa akin.
Tumaas ang kaniyang kilay sa akin at ako itong nakagamat lamang ang aking labi.
“Itong mga mahihirap na ito at sinungaling pa, hindi ako mauuto ng simpleng pagsabi ng girl friend ni Kyo ang mahirap na babaeng ito!” maarte niyang sambit, “Ang mga Vallino ay hindi nakikipagkaibigan at hindi nakikipagrelasyon sa mga mahihirap na tulad niyo.” napayuko ako, totoo ang sinasabi ng babaeng ito. “Pasensiy-” hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Kiarra.
“Look, this is girl is my twin brother’s girl friend and my best friend.” kita ko ang pagkabigla ng babaeng ito sa amin, kahit ako ay nabigla rin. “’Kung mayroon man sa dugo namin ang hindi nakikipagkaibigan ay palagay ko ako iyon, hindi ako nakikipagkaibigan sa mga katulad mong cheap and nonsense.” pagdidiin niya sa cheap and nonsense ang nagpabuka ng bibig sa babae, tila hindi niya nakayanan ang sinabi ni Kiarra, “Let’s go? Best friend?” masaya niyang tanong sa akin at ako itong tumungo na wala sa ayos.