Chapter 49 “Ano ka ba!” sigaw ni Mellisa sa akin, nahihiya akong sa kanila. Para akong isang bata na alagain, “Sabi ko naman sa ‘yo, ‘wag mo siyang isama sa lugar na ‘to.” ani ni Zell, tila parang mag-aaway nanaman sila sa harapan ko. Habang ako naman ay nahihilo, dahil sa pinainom sa akin. Dapat talaga ay hindi na ako naglakas ng loob na gawin iyon. “Ayos lang ako!” humalakhak ako, satingin ko pa naman ay matino pa ako. Medyo nahihilo lamang, bakit ba ganito ang pakiramdam kapag nakakainom, parang umaalon ang nakikita ko. Ngunit maayos pa naman ako, sadyang hindi lang talaga ako siguro sanay. “Ayos lang naman ‘yan, Zell.” rinig kong sabi ng lalaki na si Ken. Siya ang bigay sa akin ng panibagong inumin, pinilit niya ako at kahit sinabi na sa akin ni Zell na ‘wag ay ininom ko pa ri

