Kinabukasan ay Araw ng Linggo. Maaga akong nagising at nagbihis. Gusto ko magsimba. Kaso hindi ko alam kung saan ang Simbahang pinakamalapit dito. Ang alam ko kasi sa bayan pa iyon. Magpapaturo sana ako kay Jake kung saan. Hindi naman siguro masamang mag tanong sa kanya. 'Pero kapag siya ang nagtatanong ayaw mo sumagot.' Napailing iling kaagad ako. Ano ba yan kinakausap ko na na ang sarili ko ngayon? Bumaba ako sa Sala. Nakita ko mula sa Kusina si Manang na tahimik na naghihiwa ng mga Gulay. Ang Tahimik na nga ng buong bahay tahimik rin si Manang. Kaming tatlo lang naman ang nakatira dito sa pagkalakilaking bahay na ito. Samantalang sa Maliit naming bahay dati Marami kami. Pero Tahimik rin. Saka lang iingay kapag nagaaway sila "Magandang Umaga po Manang. Si Jake po."Lumapit ako sa

