Nagising ako nang makalanghap ako ng kakaibang Hangin. Naramdaman ko ang kakaibang Lamig ng Hangin. Dumilat ako at nakita ko ang Jacket na nakapatong sa akin. Nagulat ako nang nakita kong nasa ibang lugar na ako. Tumingin ako sa Bukas na bintana. Wala kami sa Chapel. Wala rin si Jake. Hindi ko siya makita. Bumaba ako ng sasakyan. Namangha ako sa buong lugar. Lumapit ako sa Dagat. Ang gaganda ng mga Windmills. Ang lalaki. Umiikot pa lahat. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap pakinggan ang bawat pag hampas ng alon sa Dagat. "Hindi na kita ginising." Napabalikwas ako ng lingon ng marinig ko ang baritonong boses na iyon. I saw Jake who's walking closer to me. "I wanted to go on a Drive. " He gasped. "Buong byahe talagang tulog ako.." Napangiti ako. Hindi ko nga alam na nakatu

