“Oh, buti naman at lumabas ka rin dyan sa lungga n’yong mag-ina.” Napalingon ako sa nagsalita at napangiti nang makitang si Cles pala ‘yun. Isinara ko muna ang pinto bago siya hinarap. “Paanong hindi ako magkukulong eh isang linggo kang wala. Sino naman ang makakasama kong mamamasiyal?” Lingon ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad papuntang elevator. “Andami mong pwedeng pasiyalan. Maanong hilingin mo kay Flame na ipasiyal kayo ni Mac-mac.” Pumasok na ako kasunod niya sa elevator at pinindot ang G button. “Ipinapasiyal naman niya si Mac-mac. Susundan ko na nga sila sa park kasi tatlong oras na silang wala.” Napahalukipkip ako. “Makie, hindi mapapahamak ang bata. Hindi papayagang mangyari ni Flame ‘yun. Mahal na mahal niya yung anak n’yo. Don’t you trust him?” Bumaling ako sa ibang

