Chapter 5: Makie

1266 Words
“George, please! Last na ito! Please, samahan mo akong mag-explain kay Flame,” naiiyak kong pakiusap sa best friend ko. It’s been two days after that incident. Kahit papano ay nakakapag-isip na ako nang matino. Stable na rin si Papa kaya okay na kung iiwan ko muna siya para unahing kausapin at paliwanagan ang nobyo ko. I should be hurt and angry dahil hinusgahan niya ako agad na hindi man lang naririnig ang explanation ko. But I cannot really blame him. Kahit na sino, kung makikita ang minamahal niya sa ganoong sitwasyon ay makakagawa rin ng mga bagay dala ng galit. Nagtatampo ako pero naiintindihan ko siya at pinapatawad ko na siya. Mahal na mahal ko si Flame. Kailangan niyang makinig sa paliwanag ko para mabura na sa isip niya ang inaakala niyang kataksilan ko lalo na ngayong sigurado na akong magkaka-baby na kami. Kung ‘di pa ako napatingin sa kalendaryo kanina sa ospital, hindi ko pa mare-realize na one month na pala akong hindi dinaratnan. Agad akong bumili ng PT Kit at positive. Buntis ako. Gusto kong manlumo dahil napaka-wrong timing na malaman na buntis ako sa panahong nasasangkot ako sa isang napakagulong sitwasyon pero hindi ko maiwasang masiyahan knowing na may munting buhay sa sinapupunan ko na bunga ng pagmamahalan namin ni Flame. Hopefully, ang baby namin ang magiging susi para muli akong tanggapin ng lalaking mahal na mahal ko. “At ano?! Sasamahan kita tapos maki-kidnap na naman tayo?! Tapos magigising na naman akong hubad at binubugbog ng jowa mo?!” sarkastikong tanggi ni George. Hindi ako agad nakapagsalita. Nagi-guilty rin ako sa nangyari kay George pero wala talaga akong pwedeng hingan ng tulong kundi siya. Kailangan niyang ma-clarify kay Flame na isa siyang sirena at imposible na may mangyaring seksuwal sa amin dahil ikamamatay iyon ng baklang bestfriend ko. “Please, George! Last na talaga ito. Promise!” Muli kong pakiusap sa kanya. Actually, naiiyak na nga ako, eh. “Naku!!! Last na ito, ha?!” pagsuko niya. Napangiti na ako. Hindi talga ako magagawang tiisin ng best friend ko. “Oo! Promise! I love you, bff!” “Nambola ka pa eh sasamahan na nga kita. Sige na, I love you, too. Andiyan na ako after 10 minutes.” Napangiti akong muli. Next to Flame, si George ang sunod kong mahal with an exemption to my father of course. At pagkatapos nga ng apat na oras na biyahe ay papasok na kami sa Martenei University. ... “Handa ka na ba, sissy?” nag-aalalang tanong sa akin ni George. Paano ko ba ie-explain sa kanya ang nararamdaman ko ngayon? ‘Yung pakiramdam na nakatayo lahat ng buhok mo? Naninigas ang mga daliri mo? Nanlalamig ang dugong dumadaloy sa bawat ugat at himaymay ng laman mo? Masama ang pakiramdam ko dala marahil ng pagbubuntis ko ngunit kailangan kong magpakatatag para sa amin ni Flame, sa pagmamahalan namin at sa magiging baby namin. Napahaplos tuloy ako sa puson ko. Mackenzi, tulungan mo ako sa daddy mo, ha? Mahal na mahal ko kayo. Yup. Mackenzi ang ipapangalan ko sa baby namin ni Flame. Ke babae man o lalaki, iyan ang magiging pangalan niya. Hindi ko pa man siya dama sa loob ng tiyan ko, alam ko namang naroon siya. Natatanaw ko na ang pintuan ng Torture Room kung saan itininuro ng isang estudyante ang kinaroroonan ni Flame. Halos hilahin ko na ang mga paa ko sa nerbiyos na nararamdaman ko para lang makarating doon. Mabuti na lang at kahit halatang ninenerbyos din si George ay hindi niya ako iniwan. Bahagyang nakabukas ang pinto nang makarating kami roon kaya rinig ang mga boses ng mga nag-uusap sa loob. Kakatok na sana ako nang marinig ko ang boses ng lalaking minamahal ko. “I was just playing with her! My father and I planned everything, you know. From the time I was introduced to her, the courtship and eventually our supposed relationship were all part of the plan. We planned to hurt her and destroy her and use her against her father pero look at the turn of events. She deserves whatever is happening to her because she is a slut! A f*****g w***e who is not contented with just one man... “ his voice was full of hatred but it was not the reason why my heart started bleeding profusely right now. Ang marinig na pinagplanuhan kang saktan at sirain ng lalaking mahal mo at pinag-alayan mo ng lahat sa’yo ang mas masakit. Tigalgal akong nanigas sa pagkakatayo sa sobrang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Akala ko wala ng sasakit pa sa p*******t at pang-iinsulto niya sa akin. Mas masakit palang malaman na pinaglalaruan lang niya ako sa simula pa. “For what she has done to me, she f*****g deserves a painful death.” Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol sa narinig ko mula kay Flame. Mabilis kong natakpan ang bibig ko ng dalawang kamay ko habang napayakap naman sa akin bilang suporta si George. Bakit siya pa ang galit sa akin samantalang ako ang pinaglalaruan niya? Wala akong kasalanan sa kanya kundi ang mahalin siya ng buong puso at buhay ko. Gano’n ba katindi ang galit niya at pati kamatayan ko ay pinagdarasal niya? Wish granted. Dahil bawat salitang lumalabas ngayon sa bibig niya ay lason na unti-unting pumapatay sa katawan, isipan at puso ko. I don’t deserve this. But this is hurting me so damn much na hindi lang puso ko ang dinudurog kundi maging ang buong pagkatao ko. “Makie?” Natigilan ako sa pagtangis at napatingin sa taong tumawag sa akin. It’s Clem. Taranta kong pinunasan ang napakaraming luhang bumabasa sa mga pisngi ko. “Bakit ka umiiyak? May nangyari ba? Tara sa loob.” Nag-aalalang tumingin siya sa akin. She tried reaching out to me pero umatras ako at umiling. Kumalas ako kay George at kinuha sa bulsa ng jeans ko ang PT kit. “P--pakibigay na lang sa kanya. Sige, nagmamadali kami.” Agad ko nang hinila si George at nagtatakbo kaming palabas ng 7 Demons Building. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Clem sa pangalan ko nang paulit-ulit. Agad kaming pumasok sa kotse ni George nang makarating kami sa parking lot at nagmamadali na kaming umalis. ... “Miss, okay ka lang? Kanina ka pa umiiyak, ah? May masakit ba sa’yo? Kuya, dalhin na kaya natin sa ospital itong kasama mo. Kanina pa namumutla, eh.” Napatingin ako kay Karen. “Pasensya ka na kung naiingayan ka sa akin, ha?” Pilit akong ngumiti sa kanya. “Ako nga ang dapat humingi ng pasensya kasi nakakaabala ata ako sa inyo. Nakisakay na nga ako tapos nangungulit pa. Uy, concern lang po ako, ha?” Humagikgik pa siya kaya napailing na lang ako. Kahit papano ay napigilan ko ang pag-iyak dahil may kasama kaming iba ni George dito sa kotse niya. Nadaanan lang namin siya kanina sa biyahe. Naawa kami dahil papagabi na pero wala pa ring bus na nagsasakay sa kanya. Since madaraanan naman namin ang bayan na uuwian niya, we offered our help. “Okay lang. ‘Wag kang mag-alala,” George assured her. “Alam n’yo bagay kayo. Isang guwapo at isang maganda.” Sabay kaming napatawa ni George dahil sa sinabi niya. Kung alam lang niya na pareho kaming naka-panty ni George. Haay. Nakakawala talaga ng problema ang kakengkoyan ng pasahero namin. “Aw, shit.” Napamura ako nang mabitawan ko ang kuwintas na hawak ko. Ito ‘yung regalo sa akin ni Flame. Balak ko sanang itapon sa madaraanan naming kakahuyan mamaya. “Bakit?” Halos sabay nilang tanong. Para hindi sila mag-alala at mag-abala pa ay iba ang sinabi ko. “Naiihi ako,” sabay din silang napatawa sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD