Kinaumagahan, umuwi si Glenna sa apartment namin. Lunes na ng umaga. Nakaligo na at parang magbibihis na lang ang gagawin.Ewan kung saan siya galing. Hindi naman puwedeng umuwi sa kanila dahil malayo. "Hoy, Glenna! Galit ka ba?" tanong ko nang hindi na ako nakatiis. Tahimik lang kasi siya habang ako, pinapanood bawat kilos niya. Pupunta na rin ako sa banyo para maligo pero natigil nang dumating nga siya. Humarap siya sa akin na blanko ang ekspresiyon ng mukha. "Ikaw ba naman ang pagbintangan ng kung ano-ano? Anong mararamdaman mo, Shai?" Humarap siya sa akin na parang maiiyak na. Napanguso ako at hindi alam kung lalapitan ba siya o hindi. Mukha nga siyang galit at baka masampal lang ako. Mahirap na. "Eh kasi...hindi ko na alam kung sino paniniwalaan ko! Eh kung kasi maging tapat na ka

