Suot ang isang tube top na pinatungan ko ng itim na leather jacket plus itim rin na skinny jeans ay larga na kami ni Glenna. Nakapusod pataas ang aking buhok. kasing taas ng suot kong sapatos na may 5 inch ang heels. Maliit kasi ako kaya kailangan kong mag-heels nang mataas para mapantayan ko ng kaunti si Glenna na matangkad.
Pagkakita niya sa akin ay tinaasan ako agad ng kilay. Para siyang nakakita ng artista na kakabog sa kagandahan niya. Maliit man ako pero wala siya sa alindog kong taglay. Isa kaya akong pandak na diyosa...
Napangiti ako sa sarili. Naalala ko ang nabasa kong istorya ni jhowrites sa reading app na dreame. Ang Confidently beautiful niyang story. Mataba man ang bida, diyosa naman si Diozza. Sa kanya ko nakuha ang confidence ko sa sarili.
Nainggit lang ako sa kanya. At least siya mataba pero nakahanap ng papa. Eh ako? Maalindog nga pero panay lang pantasya.
"Darling Glenna...laway mo!" sita ko kay Glenna na kunwaring hinawi ang laway na tumutulo sa bibig niya.
Hinawi niya ang kamay ko at lalong sumimangot sa akin.
"Naku, Shai. Mukhang binibuhat mo na naman ang sarili mong bangko sa isip mo...tumigil ka..." saway niya sa akin. Ako naman ang napasimangot. Oo na! Mas maganda na siya! Ayaw pa akong pagbigyan.
Inirapan ko siya. Palabas na kami sa gate nang pumarada ang napakagarang sasakyan ng boyfriend ni Glenna.
Pinakamagara sa loob ng junkyard. Paano? kinakalawang na. Buti na lamang talaga at hindi kami nasusugat kundi, baka natetano na kami sa sobrang gara ng sasakyan ni Artur.
Hindi naman sa inookray ko ang jowabels ni Glenna. Slight lang naman dahil hindi pa magawang ipa-scrap ang kotse niyang sobrang ganda. Eh di sana may magara at bago na...kahit tricycle lang.
"Saan ba kayo?" iritado niyang tanong. Ibinaba ang salamin at sinipat ako. Muli rin niyang ibinalik ang salamin sa mga mata niya nang bumaling sa kanyang jowabebes.
"Sa bar lang jowahoney," sagot ni Glenna ba ikinapanindig ng balahibo ko sa buong katawan. Kumapit pa si Glenna sa braso ng jowa niya. "Hanapan natin ng papa itong kaibigan kong balak magmadre kapag hindi pa nakatikim!" palatak niya sabay ngisi sa akin.
Inirapan ko silang dalawa dahil maging si jowabels niyang si Artur ay ngumisi. Kita ko tuloy ang alambre niya sa ngipin. Lalong umikot ang bilog ng mga mata ko.
"May nireto na kasi, hindi pa sinagot. Ano bang wala kay Berting at inayawan mo?"
"Tinanong mo pa ako? Ako?" Nanlalaki ang mga mata ko sa kanya at itinuro ang sarili. "Tinatanong mo anong kulang sa kanya?" sarkastiko kong ulit.
Hindi ba obvious sa mga mata niyang malabo? Kulang siya ng aruga ng magulang niya. Hindi siya pinapakain! Wala siyang maskel! Panay siya buto. Berting-tingting!
Pinaypayan ko ang aking sarili dahil sa inis na nararamdaman. Nakakapag-init ng ulo ang magjowang nasa harapan ko! Kumukulo ang dugo ko sa dalawang ito. Hay naku...sarap pag-untugin!
"Tara na puwede ba? Lalo akong mabubulok sa inyo nito eh. Last chance ko na itong gabing ito. Kaya please! Please lang...huwag ako!"
Binuksan ko ang passenger area ng magarang sasakyang ni Artur at pumasok na. Agad naman silang sumunod sa akin.
Sa awa ng Diyos, nakarating naman kami ng maayos sa Buang-buang bar. Ewan ko ba, sa dami ng ipapangalan sa bar, iyon pa talaga. Sabagay, dahil doon ay sikat ito. Bukod kasi sa nag-iisa lang siya na bar sa baranggay. Nag-iisa rin siya na pasosyal. Ang iba kasi sa amin na bar ay may mga bar-gain na mga babae. Marami sila. Ito lang ang legit na bar na gaya sa Maynila.
"Andaming tao..." sigaw ni Glenna. Nauna ako sa kanila dahil ayun at magkahawak kamay na parang mawawala ang isat isa. Mas maganda yatang ako nalang mag-isa kesa may kasamanakong mga asungot na painggit!
Gumala ang mga mata ko sa loob. Puno ng tao. Puno rin naman ng mga naglalampungan. Mas lalo yata akong maiinggit at paglabas dito, diretso na ako ng kumbento para pumasok roon at magbagong buhay nalang. Hindi na muling magkakasala ang mga mata at imahinasyon ko.
Pero ang hirap! Mapapansin mo ba ako? Na ako ay masaya...
Ba yan? Napakanta tuloy ako. Asan na ba si Sandy ng Blind Seduction ni Seer_Sha at nang matanungan paano makakuha ng Fafa kahit bulag na. Bulag na masherep!
Nang magawi ang tingin ko sa lalaking nasa bar counter. Nakatitig sa akin at naglalaway sabay kindat.
Napalingon ako sa aking paligid. Yes! Hindi ako nagkakamali, ako nga ang kinikindatan. Walang ibang babae sa tabi ko. May ibang mga lalaki ngunit may kanya-kanya naman na partner.
Hinawi ko ang buhok kong bumaba sa pagkakapusod at naglagay ng malawak na ngiti sa labi. Pagkatapos ay umarangkada ako sa lakad na parang lumalaban sa Miss Universe ng buhay ko. Ang balakang ko ay humampas ng pakaliwa at pakanan habang naglalakad ako palapit sa lalaking iyon. Ang kamay ko ay nakapilantik at ang mga mata ay nang-aakit.
Rawr! Gusto kong umalulong. Ang sherep niyang titigan. Nakakalaway ang kakisigan.
Madilim ang sulok na kinaroroonan niya pero hindi maipagkakailang guwapo talaga ang lalaking iyon. Lalo na kapag ngumiti. Rinig na rinig ko tuloy ang kalabog ng puso ko..
Tok...tok...tok...sabi nito. Sumasabay sa paglalakad ko ang tunog ng puso ko.
Ay! Wait....ang mataas na takong ko pala iyong tumutunog. Kahit maingay sa loob ay dinig ko pa naman iyon.
Mas pinagbutihan ko pa ang rampa ko nang bigla ay may bumangga sa akin at nasagi ang kaliwa kong balikat. Malapit na ako sa lalaking mapang-akit kaya sumubsob ako sa kanyang harap. As in malapit kong mahalikan ang gitna niya kung hindi niya ako nahawakan sa balikat para mapigilan.
"Woah! Woah!" anas niyang nagpakilig sa akin. Ang guwapo ng boses.
"Lumunok ako at nag-angat ng tingin na hindi pa.umaalis sa puwesto. Nakakunot ang noo niya sa akin.
"Miss, tsupi! Baka matuklaw ka!" babala nito. Napatingin ako sa kanyang harap na biglang may bumukol.
"Hehe!" Maarte kong saad na may sounds pa. Umayos ako ng tayo sa harapan niya. "Sorry, pero puwedeng patuklaw?"
"What?"
Ngumisi ako. "Este, maamo naman siguro para manuklaw, ano?"
Kita ko ang pag-iiba ng hilatsa ng mukha ng lalaki.
"Miss, binabalaan kita. Mahirap magalit ang kaibigan ko," sabi niya na seryoso.
Wow! Ilang minuto pa lang ako pero mukhang jackpot na ako. Mahirap raw magalit. Puwedeng galitin pa para sulit!
"Paaamuin ko kapag galit..." nakangisi pa rin na saad ko pero mas lalo siyang sumeryoso at ngayon ay hindi na yata mapakali. Bigla niyang hinawi ang buhok niyang medyo mahaba.
Ang ngisi ko ay napalitan ng ngiwi sa mukha. Parang may kakaiba na sa kilos ng lalaki. Hindi nga ako nagkakamali nang may sumabunot sa aking buhok mula sa likod. Iyon pala ang kaibigan na sinasabi niya.
"Walang hiya ka! Nilalandi mo pa ang boyfriend ko!" isang nanggagalaiting boses ang narinig ko habang pilit kong hinihila ang buhok ang hawak niya. Ayaw akong bitiwan kaya tinadyakan ko ang paa niya dahilan para makawala ako.
Laking panlalaki ng mga mata ko nang makaharap ko ang nanabunot sa akin.
Isang lalaking bihis babae ang ngayon ay pinipigilan ng lalaking kumindat sa akin kanina.
"Boyfriend ko ang nilalandi mo! Babaeng bakla!" sigaw niyang dinuro ako. Marami na ang nakapalibot sa amin.
Pinameywang ko siya. At ako pa talaga ang babseng bakla? Eh ano siya?
"Hoy! Haliparot na parot na tinubuan ng maliit t!ti sa gitna! Huwag na huwag mo akong gagalitin! Kung makamandag iyang ahas mo, mas makamandag ang kabibe ko! Putangers!" sigaw ko sa kanya. Ang mga taong naroon ay tuwang tuwa sa panonood sa aming dalawa. May nakita pa akong nagbibigayan na ng pera. Pinagpupustahan na kaming dalawa. "Kasalanan ng Jowkla mo! Kinindatan ako!" duro ko sa kanilang dalawa.
Nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Glenna na napatakbo sa gawi ko.
"Wait Miss, hindi ikaw ang kinikindatan ko..nasa likod mo ang boyfriend ko..." sagot niya sa akin dahilan para mawindang ako lalo.
Yuck! Ay nakakadiri. Kinikilabutan akong marinig. Ako lang ba ang malas sa lalaki? Bakit ang mukhang parot na ito na pintado ang mukha ay nagkaroon ng guwapong jowkla.
"Shai, ano ba, wala pa tayong trenta minutos dito, may away na!" bulong sa akin ni Glenna na hinila ako palayo roon.
Nagpatangay na ako kahit na putak ng putak ang baklang iyon.
Itinulak ako ni Glenna sa upaan sa mesang ukopa nila ni Artur.
"Hindi ko naman alam na may jowkla pala iyon..." hindi pa sila nagtatanong ay ipinagtatanggol ko na ang sarili ko.
"Jowkla?" sabay na tanong ng magkasintahan. Duet sila.
Inirapan ko sila ngunit sinagot rin naman.
"Jowkla, jowang bakla! Mga lalaki na ngayon, guwapo nga, ang gusto naman yung may lumalambitin sa gitna. Jusko! Ang hirap na talagang kilatisin ang totoong lalaki sa nagpapanggap lang!" bulalas ko na kumuha ng malamig na beer sa bucket. Tinungga iyon.
"Buti na lang, tong napili mong jowabels..."
Napatitig ako kay Artur. Saka ako napatingin kay Glenna na naghihintay ng kasunod sa sasabihin ko. Nakataas na ang kilay nito.
"Na! Never mind! Okay siya!" sabi kong iminuwestra ang kamay at muling tinungga ang bote ng beer.
Ayaw kong tanungin si Glenna kung ano ang nakita niya kay Artur. Laki kasi ng difference nila sa isa't isa.
Hindi lang sa maganda si Glenna. Laking mayaman rin ito pero heto at nagtiya-tiyagang magtrabaho at mamuhay ng simple. Si Artur? Gaya rin siya ng sasakyan niya. Hindi ko na iee-laborate iyon dahil makakasakit lang ako ng damdamin. I'm an honest person pero marunong ko rin naman pigilan at i-preno ang bibig ko.
Iinom na lang ako. Wala na akong gana maghanap ng lalaki.