ALLIEXHA
“Saan ako?” tanong sa sarili ko sa pagmulat ko ng mga mata ko.
Nasa hindi pamilyar akong lugar.
“Gising ka na pala, ma’am,” sabi sa akin ng isang babae.
“Nasaan ako?” tanong ko sa kanya.
“Nandito ka po sa private hospital po ni Sir Zeus,” sagot niya sa akin kaya napatingin ako sa kamay ko na may dextrose na ngayon.
“Nasaan siya?” tanong ko pa sa kanya.
“Umalis siya, pero ‘wag ka pong mag-alala dahil ako po ang mag-aalaga sa ‘yo,” sagot niya sa akin.
“Mag-aalaga sa akin? Si Zeus ba ang nagsabi?” tanong ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.
Ako naman itong nagtataka kung bakit ito ginagawa ni Zeus. Ang alam ko kasi ay matigas ang puso niya. Kaya bakit niya ako dinala dito? Wala naman akong ipambabayad dito kaya sigurado ako na idadagdag na naman niya ito sa utang ko sa kanya. Ang babae na nagsabi na aalagaan ako ay nandito pa rin siya at nagbabantay sa akin.
“Nagugutom ka na ba?” tanong niya sa akin.
“Busog pa ako,” sagot ko sa kanya.
“Kapag may kailangan ka ay sabihin mo lang sa akin,” sabi pa niya sa akin.
“Okay,” sabi ko naman sa kanya.
Dahil hindi wala naman akong gagawin ay humiga na ulit ako. Pumikit na lang ako dahil hindi ko naman alam kung inaantok na naman ba ako. Iniisip ko na kasi ngayon kung ano ang nangyari kanina after kong mawalan ng malay? Ano kaya ang ginagawa nila? Nakuha niya kaya ang mga gamit ko? Ang dami kong nais na malaman dahil curios ako sa nangyari. Kung ano ba talaga ang nangyari. Sana lang talaga ay binigay ng tiyahin ko ang mga gamit ko.
Hindi ko alam pero bigla na lang pumatak ang mga luha ko nang maalala ko ang nangyari kanina. Ang mga sinabi sa akin ng pamilya ko na talagang nagbigay ng sakit sa puso ko. Umasa lang pala ako na may pamilya ako, pero ang katotohanan ay hindi naman pala pamilya ang tingin sa akin. Ako lang pala ang nag-isip na may pamilya ako.
Nasaktan talaga ako ng sobra at alam ko na kung nandito rin ang mommy ko ay ito rin ang nararamdaman niya. Alam ko na kailangan kong maramdaman ito para tuluyan na akong bumitaw sa kanila dahil gano’n rin sila sa akin. Ang sakit na ang lahat na nga ay kinuha nila sa akin. Wala na talaga silang itinira sa akin.
“Ma’am, okay ka lang ba?” tanong sa akin ng nurse.
“Ate, okay lang ba na iwan mo muna ako. Nais ko lang po sanang mag-isa,” sagot ko sa kanya.
“Okay po, sa labas lang ako,” sagot niya sa akin at lumabas na siya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.
Napahagulhol na talaga ako at napahawak sa dibdib ko. Umiiyak ako ng sobra dahil sa mga nangyari sa buhay ko. Ang malas ko, sobrang malas ko sa part na kailangan kong magdusa. Harapin ang kahihiyan at tanggapin ang kapalaran ko. Nawala ang mommy ko, nawala sa akin ang boyfriend ko, nawala ang iniwan sa akin ni mommy at ang dignidad na mayroon ako ay nawala rin.
Hindi ko na alam kung paano pa ba ako babangon? Kung makakabangon pa ba ako lalo na ang lalaking pinakasalan ko ay alam ko naman na walang pakialam sa akin. Ni hindi nga niya ako pinayagan na bumalik sa pag-aaral ko. Kaya kahit pa nasa puder niya ako ay hindi ko pa rin naman makakamtan ang tunay na kalayaan. Dahil para sa kanya ay i-pinambayad utang ako at ang magiging silbi ko ay ang maging laruan niya.
“Hindi ka ba napapagod sa kakaiyak? Talagang iniiyakan mo ang walang kwenta mong pamilya?” napatingin ako sa may pinto nang marinig ko ang boses ng asawa ko.
“I’m sorry po,” sabi ko sa kanya.
“Tigilan mo ang kakaiyak mo dahil ang sakit sa tainga,” galit na sabi niya sa akin kaya naman tinakpan ko ang bibig ko.
“Tumigil ka na sa kakaiyak mo at baka mahimatay ka na naman!” sigaw na talaga niya sa akin kaya lalong bumuhos ang luha ko dahil ramdam ko na mag-isa na lang talaga ako ngayon.
Na wala na talagang taong nakakaintindi sa nararamdaman ko.
“Umalis na tayo at hayaan niyo na lang siya dito,” sabi niya at umalis na siya kasama ang mga tauhan niya.
Ako naman ay umiiyak pa rin dahil hindi ko rin naman alam kung paano ko pa patitigilin ang mga luha ko. Hindi ko alam kung bakit ba ayaw nitong tumigil sa pagpatak. Hanggang sa hindi ko na alam kung ano ba ang sunod na nangyari.
*******
Muli akong nagising na nandito na ako ngayon sa silid ko. Nakahiga na ako sa kama ko dito sa mansyon ni Zeus at iba na rin ang suot kong damit. Siguro ay pinapalitan niya sa mga kasama nila dito sa bahay. Nang tumingin ako sa oras ay madaling araw pa lang.
Wala na akong suot na dextrose kaya naman bumangon ako nat naglakad papunta sa balcony. Madilim dito at malamig ang simoy ng hangin. Umupo ako sa upuan dito at tumingala ako sa langit.
Sobrang dilim at kahit na isang bituin ay wala man lang akong makita. Parang sumasabay rin ito sa nararamdaman ko. Na para bang ang lungkot rin talaga ng mundo ngayon. Naalala ko pa noong bata pa ako, noong bata pa ako ay punong-puno ako ng pangarap. Marami akong gustong gawin kapag lumaki ako. Ang lagi ko pang sinasabi sa mommy ko noon ay gusto kong libutin ang mundo. Gusto kong magtravel around the world para makita ko ang kagandahan ng mundo. Pero ngayon, alam ko na hindi na mangyayari ‘yon. Na hindi ko na magagawa ‘yon dahil habang buhay na lang ako dito sa bahay na ito.
Masakit na katotohanan na dapat kong tanggapin. Wala akong balak na bumalik sa loob kaya dito na lang muna ako tumambay hanggang sa bumigat na naman ang talukap ng mga mata ko.
“Wake up, sl*t!” nagulat na lang ako dahil may malamig na bumuhos sa mukha ko.
At nang imulat ko ang mga mata ko ay si Monina pala ito. Kasama ang ilan sa mga kasambahay dito.
“Oh, good morning sleeping beauty,” sabi niya sa akin at bigla na lang niya ako…..