DORIS' POV Nakauwi na kami ng aking asawang si George dito sa aming malaking bahay galing sa aming bakasyon kung saan kasama namin ang aking best friend na si Chloe. Isang bakasyon na biglaan naming pinlano ni George pagkatapos ng aming honeymoon. Ang biglaang bakasyon na sana ay extension ng aming honeymoon ni George. Isang biglaang bakasyon na naging resulta ng isang kaganapang nangyari noong honeymoon namin ni George. In the end, that vacation didn't serve its original purpose. Pagkatapos nang gabing iyon kung kailan nagkulong buong magdamag ang aking asawang si George at ang aking best friend na si Chloe sa loob ng guest bedroom ng vacation house na pagmamay-ari ng aking pamilya ay may napansin akong pagbabago sa kanilang mga kilos sa tuwing alam nilang nasa paligid lamang ako.

