CHLOE's POV Napataas ang aking kilay nang makita kong pasimpleng hinihimas ni Tita Andrea ang kanang braso ng isa sa mga lalaking modelo ng kanilang modeling agency. Ang modeling agency na pagmamay-ari ni Tita Andrea at ng asawa nitong si Tito Rolando ay ang Montecillo House of Models kung saan ako naka-sign. Masasabi kong malaki ang utang-na-loob ko sa mga magulang ng aking best friend na si Doris dahil nakilala ako sa mundo ng fashion and modeling industry nang dahil sa Montecillo House of Models na mayroong maraming connections sa iba't ibang brand companies. Dahil sa Montecillo House of Models ay nagkasunud-sunod ang aking mga projects at hindi basta-bastang mga proyekto ang kanilang ibinibigay para sa akin. Sinisiguro ng Montecillo House of Models na maibibigay nila sa akin ang b

