GEORGE's POV Muli kong tinitigan ang aking reflection sa salamin dito sa loob ng en suite bathroom ng aming marital bedroom ng aking misis na si Doris. Nakailang hilamos na ako ng tubig sa aking mukha para pakalmahin ang aking sarili. Bukas. Bukas ay makakaharap ko na ang nagmamay-ari ng malamyos na tinig ng boses na aking narinig nang sagutin ko ang tawag sa phone ng aking asawa noong naroon kami sa vacation house na pagmamay-ari ng pamilya nito. Si Jessica Mendez na secretary ng aking father-in-law. I just hope this Jessica Mendez isn't the Jessica who I had known when I was a kid. Hindi maaari. Hindi pwedeng magkita kaming muli ng Jessica na aking minahal noon. Patuloy lang niyang guguluhin ang aking sistema kapag nagkita kaming muli. Ang Jessica na nakilala at minahal ko noon

