Hindi na namin sinama ang triplets ,iniwan na lang namin ito kay Kara.
PAgdating namin sa hospital nakasalubong ko ang Mommy ni Drey si Ma'am Dahlia.Nakatingin ito sa akin at bigla lang nito akong niyakap.
"I'm so sorry Hija,alam ko malaki ang kasalanan ko dahil sa ginawa ko pero lahat na ito ay plano niya dahil ayaw niya ipaalam ang kanyang sitwasyon"-humahagulhol ito ng iyak.
Hindi ko rin napigilan umiyak.Dinala na nila ako sa isang kuwarto.Pagbukas ng pinto doon ko nakita na ang lalaking mahal ko na puno ng aparato ang katawan.
Muntik na akong matumba kung hindi agad ako naalalayan ni Jamie.
Makina na lang ang bumubuhay sa kanya.Hindi ko napigilan pumalahaw ng iyak,ang sakit!ang sakit tingnan ang kanyang sitwasyon.
Lumapit ako dito.
Ang payat niya at ang putla pa.
Ang layo sa dati niyang itsura.
"Drey?"-paos na ang boses ko habang sinasambit ang kanyang pangalan.
"Drey,lumaban ka,nandito na kami ng mga anak mo!"-halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak.
"Alam mo ba,tinatawag na nila ang kanilang Tatay, please gumising kana,huwag mo kaming iwanan!"-hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito.
"I love you! maghihintay ako Drey"-sumubsob ako dito habang nakayakap ang isang kamay.
Araw araw ako na nasa ospital,halos doon na ako tumira .Umuwi na si Zack at Roice sa Pilipinas.Si Ace naman my business trip pa siya sa US,nag paiwan muna si Jamie dito sa amin.
Nakita ko naman parang ang tahimik ni Kara at malungkot ito dahil siguro wala si Zack .
Umuwi muna ako saglit sa bahay para bisitahin ang triplets ko,sobrang tuwa nila ng makita ako.
Bandang hapon umalis din ako para bumalik sa hospital.
Pinunasan ko muna si drey at pinalitan ng diaper.Tinulungan ako ng nurse dahil maraming nakakabit na aparato dito.
Pagkatapos namin linisan ito may tinurok na gamot ito na dinadaan sa mga aparato.
Umupo ako sa tabihan nito.
"Hindi ka ba napapagod sa kakahiga diyan?"-malungkot na tanong ko dito.
"Alam mo ba Hon,nag sasalita na ng paunti unti ang triplets natin,ang kukulit nila,kamukhang kamukha mo sila"-nakangiti na saad ko dito at hinahaplos ang kanyang daliri .
"Ang payat mo na,pero kahit payat ka pa mahal na mahal pa rin kita"-hinaplos ko ang kanyang maputlang mukha.
Hawak hawak ko ang kanyang kamay habang binbasahan ko siya ng isang love story book.
Nagulat ako na bigla lamang gumalaw ang kanyang mga daliri.
"Drey!"-lumuluhang sabi ko dito.
Dali dali akong lumabas at hinanap ang kanyang doctor.
Pumunta agad ang kanyang doctor at tamang tama kakarating lang ni Jamie.
"Congratulations, it's a good news,nag reresponse na siya,soon or baka mas mapaaga gigising na si Drey but expect that na puwedi siya magkaroon ng temporary amnesia or puwedi rin na hindi,Sana nga hindi"-saad ng doctor na napag alaman ko na Daddy pala ito ni Jenny.
Niyakap ko si Jamie sa sobrang tuwa.
"Narinig mo iyon Jamie ,okay na ang asawa ko,okay na siya!"-masayang sabi ko habang umiiyak.