Pangalawang araw na umalis si Drey pero ni tawag wala pa ako natatanggap.Kahit wala namang gagawin sa paaralan,pumasok pa din ako.Hindi ko nakita sila Cassy,baka busy ang mga iyon.Tahimik lang ako Nakaupo habang panay tingin sa cellphone ko,baka sakaling tumawag o magchat ang asawa ko.
"Guys look,Si Drey Monteverde nasa News"sigaw ng Nerd ko na kaklase.My Tv sa room namin, tumingin ako sa Tv ,Nakita ko si Drey at kasama nito Ang isang lalaki na nakita ko noon na kasama niya sa club at pinakamasakit ay kasama niya si Sara na magkaholding hands pa.
"So Drey and Sara,is that true that you guys are here in London dahil dito ba kayo magpapakasal?"tanong ng reporter na nakangiti.Sikat si Sara dahil isa itong sikat na modelo at artista.
Drey is a Billionaire at negosyante ito ,isa na rito, isa siya sa may ari sa pinakamalaking university sa Pilipinas.
Parang biglang nandilim ang paningin Ko sa sinagot ni Sara.
"Ahmm, actually we planned that before but I want Drey to choose or to have a decisions for that"ubod tamis na ngiti nito.
"Drey,what can you say?"the reporter ask.
"Maybe here or anywhere she want , I'll marry her"nakangiti na sabi ng asawa ko, Parang gusto ko na mamatay.
Paano niya nagawa ito sa akin?Pumunta siya ng London para doon pakasalan si Sara.Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko. Sobrang sakit,gusto ko sumigaw at ilabas lahat ng galit ko.kinuha ko ang cellphone ko at tatawagan si Drey sa Messenger,pero nagulat ako na naka blocked na ako.Lalu ako nanlumo,Hindi ko na kaya.
Lumabas ako ng classroom at pumunta sa paradahan ng taxi.Nagpahatid na ako sa bahay.
PAgdating sa bahay dali dali akong pumunta sa telepono para tawagan ang number niya.
"Yes,hello?"...... pero si Sara ang sumagot.
Iyak ako ng Iyak,gusto ko umalis ,gusto ko lumayo pero hindi pwedi,ilang buwan na lang graduate na ako at hindi ko kayang iwan si Drey,mahal na mahal ko siya.
Hintayin ko ang asawa ko,baka pakitang tao lang nila iyon,kasi sa showbiz si Sara siguro nagtataka lang ang mga reporter bakit magkasama sila.May tiwala ako kay Drey,sana nga mali lang ako.
Naghintay pa ako ng ilang araw pero hindi pa rin dumating si Drey.Binuksan ko ang f*******: ko at inistalked si Sara at doon nanlumo ako.

"Beautiful"..ang caption sa kanyang post
Maraming like ,share at comments ito.May nagsasabing "Congrats".
Hindi pwedi, paano ako ?Gumayak ako at dali daling umalis . kailangan ko puntahan si Drey sa bahay ng kanyang mga magulang,dapat nila malaman na kasal na si Drey at ako ang asawa na tunay.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Mansion nila Drey . Pagdating ko doon maraming tao,parang naalangan ako pumasok.
"May invitation letter po kayo maam?"tanong sa akin ng Guard.
"Po?asawa po ako ni Drey,kuya, Please pasukin niyo po ako , kailangan ko makausap ang asawa ko"umiiyak na sabi ko.
"Eh, ma'am nandito din ang asawa ni Senyorito Drey,at siya lang ang alam namin na tunay na asawa "nagtatakang saad nito.
"Ako po ang tunay mahigit dalawang taon na kami kasal, please kailangan ko siya makausap"nagmamakaawang sabi ko.
"Pasensiya na po Ma'am ,hindi pwedi"mahinahon na sabi nito.Nanlumo ako, pakiramdam ko aping api ako.
"Sino iyan?"biglang dating ng isang napakagandang Ginang at napakaganda ng suot nito.
"Eh Senyora , asawa daw po siya ni Sir Drey"Sabi ng guard na yumuko pa ito.Ito ba ang mommy ni Drey.
"Asawa?paano ka naging asawa ng anak ko?"galit na sabi nito.
"Mahigit dalawang taon na po kami kasal at nagsasama na din po kami sa iisang bubong"mahinhin kong sabi.
Pero nagulat ako na bigla lang ako sinampal ng mommy ni Drey.
"Huwag mo gulohin ang buhay na anak ko! masaya siya ngayon kay Sara at bagay sila,at ikaw tingnan mo nga ang suot mo,isang hampas lupa !"galit na sabi nito.
"Maawa po kayo, kailangan ko po makusap si Drey"umiiyak na sabi ko
"Mom,hinahanap ka nila ninang"biglang sabi na kakarating lang na si Drey.
"Drey!"sigaw ko dito.
"Anu ginagawa mo dito"gulat na sabi ng Asawa ko.
"Drey, sabahin mo sa mommy mo na Asawa mo ako"umiiyak at nagmamakawang sabi ko.
"Drey,ano ito!malaking kahihiyan ito!"galit na sabi ng mommy nito
"I can handle this mommy,Jane were not married anymore, remember the paper last month you sign it, that's a divorce paper"saad nito na ikinagulat ko.
"Ano?bakit?ano ba ginawa kong mali Drey?!bakit ??!!"iyak na sabi ko.
"Lubayan mo na ang anak ko umalis kana Dito,guard ilayo niyo ang babaeng iyan! Drey halika kana,baka hinahanap ka ng asawa mo"tumalikod na silang dalawa ni Drey.
"Drey!Drey! please huwag mo gawin ito sa akin"nagmamakawang sabi ko.
"Maam umalis na po kayo,huwag na po kayo gumawa ng iskandalo"naaawang sabi nito.
Humarap si Drey ng saglit at tiningnan ako,wala akog nakitang emosyon ,napaupo ako at umiyak ng umiyak.
Hindi! alam ko nabigla lang si Drey.Hihintayin ko siya sa bahay,alam ko may rason bakit niya ginawa ito,alam ko rin na kasal pa rin kami.Sana nga ,sana hindi totoo ang lahat na ito.Pumara na ako ng taxi at umuwi na ng bahay.Hihintayin ko ang asawa ko.