Reese's POV After what happened in that classroom, Gideon didn't bother me again and it's been almost four days since that day. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay mas ayos na rin 'yon. Even though I want to see him so bad, I have to stop myself from feeling this way. Hindi 'to tama. "Tingin ka nang tingin diyan? Wala si Gideon," pang-aasar ni Cielo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Napadaan kasi kami sa hallway nila Gideon at napansin niya sigurong panay ang lingon ko roon. "Tell me, bakit dumadalas yata ang pagkikita niyo ni Caeden? Don't tell me..." Umiling naman ako. "That will never happen," sabi ko na ikinatango niya lang. Hindi ko pa rin nasasabi kay Cielo ang lahat ng nangyari pero sigurado akong may idea na siya. Hindi niya naman ako tinatanong kung ano ba talaga ang

