Reese's POV Hindi ko aakalaing aabot sa punto na ganito, 'yong mawawalan ako ng choice kung hindi sumunod na lang sa mga sinasabi ni Caeden. It's as if I'm dancing around his palm without me noticing, o napansin ko na pero ipinagsasawalang bahala ko dahil ayaw kong may makaalam tungkol sa nakaraan ko? "Madali lang naman 'yong pinapagawa ko sa 'yo," ani Caeden na para bang wala nang mas dadali pa sa gusto niyang gawin ko. "I want you to break up with Gideon. It's so easy, Reese." Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ako makapagsalita. Nanghihina ako kasi naririnig ko pa lang ang mga sinasabi niya ay naiinis na ako at natatakot. I know he's true to his words. He's definitely going to do it especially he has the upper hand. "Hindi madali 'yang sinasabi mo," naiiyak kong sabi. Break up with G

