Reese's POV "Sino kausap mo?" nagtatakang tanong ko kay Gideon dahil kanina, may tumawag sa kaniya at lumabas muna siya ng kuwarto ko para kausapin ang caller. "My friends. Kakauwi lang nila galing States." Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya. "Ipakilala kita sa kanila mamaya. Punta tayong Publiq," sabi niya habang nagta-type sa phone niya. Umupo siya sa tabi ko at inilagay ang kamay niya sa beywang ko. Ever since we started dating, he always comes around to build Ramiel's trust. Sabi niya kasi, kung sino raw ang mga taong mahalaga sa akin ay mahalaga na rin sa kaniya. Well, Ramiel doesn't like him, but he doesn't particularly hate him either. Minsan nga ay naglalaro pa sila ng video games and that makes me happy. At least ay alam kong kahit pa paano ay nagiging ayos na sila. "I c

