Reese's POV Pagkatapos nang nangyari sa dating bahay nila Caeden, ay parang wala lang na pumapasok na ulit si Caeden sa school. Kinakausap niya ako na parang wala lang at ganoon pa rin ang pagtrato niya sa akin. He still treats me like a broken glass, a toy for his own conveniences. Damn it. "Okay, we will be having our thesis project. I already have a copy of your group. So, makinig dahil hindi ko na 'to uulitin." Napatingin naman kaming lahat sa prof namin at nang marinig ko kaagad ang pangalan ko, inasahan ko na kaagad na kagrupo ko si Caeden, at hindi nga ako nagkamali. Magkagrupo nga kami dahil sigurado akong pinasadya na naman niya 'to, katulad nang parati niyang ginagawa. We formed a circle to talk about our soon to be topic for our thesis paper. "Saan ba tayo puwedeng magpunta a

