Reese's POV
"Tumayo ka na, magkita na lang tayo sa Quiapo. Mag-commute ka na lang, dala ko naman sasakyan ko, susunduin kita ro'n," sabi ni Cielo sa kabilang linya. Ni hindi ko nga nasusundan ang mga sinasabi niya dahil kalahati ng diwa ko, e antok na antok pa.
I glanced on my wall clock. "Cielo, alas otso pa lang ng umaga!" sigaw ko sa kaniya. "Mamahinga ka nga!"
"Gaga! May hangover kasi ako tapos sakto pag-open ko ng social media account ko, may nakita akong bagong bukas na coffee shop sa may Malate. Tara na kasi! Ang arte mo!" Napairap ako dahil sa inis. Lahat na lang talaga ng coffee shop gusto nitong subukan, e!
"Oo na! Pero kikilos muna ako rito, alam mo naman si Ramiel. Walang pakialam sa condo kahit sobrang kalat na. Mamimili na rin muna ako, wala na kaming stocks," sabi ko. Umupo ako at hinawi ang magulo kong buhok. Usually kapag linggo, alas dose ako tinatawagan ni Cielo. Ewan ko kung ano'ng trip nito ngayon.
"Huwag mo ngang banggitin 'yang kapatid mo sa akin, sampalin ko 'yan, e!" Natawa na lang ako. Sa lahat kasi ng lalaki, si Ramiel lang ang ayaw niya atsaka 'yong guard sa Campbell, hindi ko alam kung bakit. Masyado raw kasing mayabang si Ramiel, tapos hindi niya raw type. Well, Ramiel is the quiet type of guy. A lot of girls are attracted to him because of that, pero iba 'tong si Cielo.
"Sige na, ibababa ko na, a!" Bago pa siya makasagot, e pinatay ko na kaagad ang tawag at lumabas ako ng kuwarto. Napatingin ako sa living room, nakakalat pa ang controller ng xbox ni Ramiel tapos pagkapasok ko naman sa laundry room, nakakalat 'yong mga damit niya.
Magkaroon ka ba naman ng ganitong kapatid hindi ba mamuti ang lahat ng buhok mo sa katawan?! I tied my hair into a messy bun. Mag-aayos muna ako rito at mamimili.
Niligpit ko 'yong mga kalat ni Ramiel sa living room, pagkatapos, e tiniklop ko nang maayos lahat ng laundry namin. Mabuti na lang tuwing linggo, e nasa gym si Ramiel kasama ang mga kupal niyang kaibigan.
Kumuha ako ng pera sa envelope sa kuwarto nila Dad. Minsan lang sila umuuwi rito sa Manila, kadalasan kapag holiday tulad ng pasko at bagong taon. Pero nang nakaraang pasko, hindi sila nakauwi kaya si Ramiel, iniwan akong mag-isa rito sa condo n'on.
Hindi naman kasi kami lumaki ni Ramiel na close na close. Actually, feeling ko kami lang 'yong kambal na hindi nagkakasundo sa mga bagay. Hindi rin kami katulad ng ibang mga kambal na pareho ang mga damit na sinusuot o ano pa man.
Hindi naghahawak si Ramiel ng pera maliban sa pinapadala para sa kaniya. Hindi naman kasi siya magastos. Kung hindi nga ako nagluluto para sa amin, baka puro instant lang ang kainin n'on. Kaya ang pera na natatanggap namin, itinatago ko sa kuwarto nina Dad pagkatapos ay kukuha-kuha na lang ako kapag naubusan na kami ng stocks o 'di kaya kapag may babayaran sa school.
Pagkatapos kong mag-ayos sa buong condo, kinuha ko ang laundry basket at isinara ang pinto. Nasa eleventh floor ang condo unit namin kaya medyo nahirapan akong buhatin kahit may elevator naman.
Pagkababa ko sa first floor, dinala ko kaagad sa laundry shop ng condo 'yong dala ko. I-de-deliver na lang daw sa unit namin kapag tapos na. This is convenient for me dahil hindi kaya ng oras ko lalo na kapag may mga project akong kailangang tapusin. Pagkabayad ko, nag-abang kaagad ako ng jeep papunta sa supermarket. Ang init bwiset. Parang may free trial sa impyerno.
Pagkarating ko sa supermarket, inuna ko kaagad ang pagbili ng para sa lulutuin ko. Hindi naman ako magaling magluto, pero sinusubukan ko since I hate instant foods.
Kaunti lang ang pinamili ko: necessities, stock ng foods, atsaka mga candies. Ramiel is obssessed with candies, I must say. Simula pagkabata, hindi siya nakakatulog nang hindi kumakain ng candy. Kaya nga bungal 'yon noong bata pa kami. Tawag ko sa kaniya ngalbu, ta's tawag niya sa akin, nene. Kadiri. Mukha raw kasi akong nene noong bata pa ako. Though hindi ko alam kung ano ang hitsura ng nene.
Hindi halata kay Ramiel, but he has this immature side of him. It's actually cute. Sa amin lang niya ipinapakita 'yon nila Mommy dahil ayaw niya raw na makita 'yon ng iba.
Nag-taxi na ako pabalik ng condo kasi hindi ko naman masisiksik lahat ng dala ko sa loob ng jeep, tapos ang init pa. Pawisin ako masyado.
"Salamat po," sabi ko sa driver ng taxi na tinulungan pa akong magbuhat hanggang sa harap ng condo. Nagpatulong naman ako sa bellboy para maiakyat ko sa unit namin.
Papunta na sana ako sa elevator nang marinig ang ko ang pangalan ko sa lalaking nasa front desk. "Si Reese! 'Yong masungit na babaeng maganda? Pero hindi gaanong maganda. Basta 'yon!"
"Sorry, Sir. Pero hindi ko po talaga kayo puwedeng papasukin since wala naman pong Gideon sa visitor's list ni Ms. Buenavella," sabi naman ng babae sa front desk. Gusto ko siyang sabunutan. Alam niya kaagad na ako 'yong hinahanap? Bakit? Maganda naman ako, a?!
"Sige na, Miss." Mapilit talaga 'tong lalaking 'to kahit kailan. Inawat ko ang bellboy at sinabi kong bantayan niya muna ang mga dala ko saglit. Lumapit ako kay Gideon at hinila siya paharap sa akin na ikinagulat niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?!" asik ko sa kaniya. These Perez brothers are getting into my nerves! Walang ibang alam na guluhin kung hindi ako.
Ngumiti siya sa akin. Ngiti pa lang niya, ang sarap nang burahin ng mukha. Sobrang bad boy ang dating niya. He's wearing a denim jacket na may white fur sa collar, tapos naka-black siyang t-shirt sa loob. Tinernuhan niya ng faded jeans at sneakers. Nakasuot din siya ng silver cross na necklace. Ang init-init nakaganito siya?
"You owe me a lunch," sabi niya nang hindi pa rin naaalis ang ngiti. Nagpameywang ako sa harap niya. He's seriously bringing that out now? My weekend is so freaking busy, pero ito siya, nanggugulo? Damn it.
"I don't owe you anything." Unang-una, siya ang nagsabi na ihahatid niya ako kagabi at hindi ko siya pinilit. "Kaya umalis ka na kasi iaaakyat ko pa ang pinamili ko, magluluto pa ako, tapos aalis pa ako. See? Wala ka sa schedule ko ngayong buong araw. Go home."
Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa bellboy na naghihintay sa akin pero inunahan ako ni Gideon. "Ano'ng ginagawa mo?!"
"You turned down my offer. Atleast let me do this for you." Nagkibit-balikat siya at kinuha ang apat na plastic bag. "Salamat, Kuya. Ako na ang bahala rito."
Naglakad na siya papunta sa elevator kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kaniya. Inilapag niya ang plastic bag. "Floor number mo?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Wala akong balak ipaalam sa kaniya.
He chuckled. "Sige ka, pipindutin ko lahat ng button dito para pabalik-balik tayo sa lahat ng floor. Sa akin ayos lang para matagal tayong magkasama."
Napapikit ako sa inis. Punyeta talaga ang mga lalaki! Bwiset! "Eleventh floor." I rolled my eyes. "Kapag nalaman ni Henry na nandito ka, magagalit 'yon!" Tinawanan niya lang ang sinabi ko na para bang wala siyang pakialam.
Isang beses pa lang nakakapunta si Henry sa unit namin. Hindi ko kasi alam na magkaibigan sila ni Ramiel at inimbitahan pa siya ng magaling kong kapatid. After n'on, ilang beses sinubukan ni Henry na dalawin ako pero sinabi ko sa front desk na kapag lalaki ang naghahanap sa akin, huwag papasukin. Tapos, itong kapatid niya, papapasukin ko?
Tumigil ang elevator sa fifth floor at may pumasok na dalawang babae. Magkaibigan sila na tingin nang tingin kay Gideon at napasapo na lang ako sa ulo ko.
Guwapo kasi kaya ganoon kaagad ang first reaction nila. Aminado akong guwapo nga si Gideon at nakakakuha talaga ng atensiyon ng mga babae, pero aminado rin akong nakakainis na siya.
Nang makarating kami sa eleventh floor, nauna na ako kay Gideon kasi nagpapa-cute pa siya sa mga babae. And the hell I care? Kahit samahan pa niya 'yong mga babae na 'yon hanggang impyerno.
"1106 pala," basa ni Gideon sa unit number namin na nakalagay sa itaas. Nilingon ko siya bago ko buksan ang pinto. Hindi ko siya papapasukin at wala akong balak.
"Bakit mo 'to ginagawa?" halatang nagulat siya sa tanong ko. Ibinaba niya 'yong plastic bags at tumawa.
"Ang alin?" pagmamaang-maangan niya. Alam ba ng kuya niya 'to? I mean, kahit naman hindi ko gusto si Henry, ayaw ko pa ring dahil sa akin ay magkaroon ng conflict sa kanilang magkapatid.
"Niyayaya lang naman kita kumain. Kapal nito," sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa na naman siya. "Oo na! Sasabihin ko na!"
"Spill." I leaned on the door. Bawal tumambay sa hallway pero ayaw kong papasukin 'tong si Gideon. Baka mamaya maabutan pa siya ni Ramiel at magkagulo pa.
"Gusto ko kasing patunayan kay kuya H at sa mga kaibigan niya na talo ko siya pagdating sa mga babae--" Natigil siya sa pagsasalita nang lumapat ang palad ko sa makapal niyang pagmumukha.
"Gago!" Binuksan ko ang pinto at ipinasok ang mga bags sa loob. Nakatayo pa rin siya sa harap ko at natulala sa ginawa ko. "Huwag mo akong itulad sa mga babaeng ginamit mo at pinagsawaan, Gideon."
Hindi ko mapigilan ang galit ko. Ganoon lang ba talaga kadali sa kanila na paglaruan ang mga babae? Nang sabihin niya 'yon, para akong laruan na pagpapasahan nilang magkapatid.
Humarap ako sa kaniya bago ako pumasok. Nakahawak na siya sa pisngi niyang namumula. "Sabi mo hindi ka magpapa-busted sa babae." I smirked. "Now, I'm turning you down."
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lahat ng lakas ko na sabihin 'yon. Basta ang alam ko lang ay ayaw ko na ulit siyang makita.
--------
"Ginawa mo yon?!" asik sa akin ni Cielo na para bang maling-mali 'yong ginawa ko. I took a sip on my frappé and glared at her. Mahigit thirty minutes na kaming nandito sa cafe rito sa Malate. Medyo marami na rin ang tao dahil bukod sa bagong bukas, e mura lang din dahil may promo.
I told her what happened in the condo earlier at gulat na gulat siya kasi sinampal ko si Gideon. "He deserved it. That guy is a jerk."
Tinawanan niya ako. "Don't be so hard on him, Reese. Ganoon lang talaga siya noon pa," pagdedepensa niya. "He's harsh, and too honest for his own good. Bad boy ang datingan. Baka mali lang 'yong pagde-deliver niya ng mga salita kaya na-misunderstood mo. Hala! Baka ako ang good girl na makapagpapabago sa kaniya!"
Binatukan ko siya. "Huwag ka na magpantasya riyan, oy! Mangyayari sana 'yon kaso hindi ka naman good girl!" sabi ko kaya bumusangot ang mukha niya.
"Panira ka talaga!" Nagtawanan na lang kami at iba na ang pinag-usapan hanggang sa naisipan na naming umuwi.
Hinatid ako ni Cielo hanggang sa condo. Niyaya ko siyang umakyat kaso ayaw niya raw makita si Ramiel kaya nagpaalam na ako sa kaniya. Pagkapasok ko sa loob, bigla akong nilapitan ng bellboy na tumulong sa akin kanina.
"Ma'am, pinabibigay po 'to ng lalaki kanina na naghatid sa inyo." Iniabot niya sa akin ang isang Styrofoam na lalagyan ng pagkain at may sticky note sa itaas.
"Salamat po," sabi ko at sumakay na sa elevator. Binuksan ko 'yong styro at saglit akong natigilan. Buffalo wings ang laman no'n. Hindi lang 'yon ang ikinagulat ko, pati 'yong nakasulat sa note.
Sorry :)
- Gideon