Reese's POV
I don't know what's going on or what's happening between Gideon and Henry. Ang tanging alam ko lang ay ako lang ang gusto nilang guluhin.
It's been three days at sa loob ng tatlong araw na 'yon ay panay silang palitan ng pangungulit sa akin.
Kapag nasa classroom, si Henry. Pa lagi niyang ginagawa 'yong mga bagay na hindi ko naman siya sinasabihang gawin. Katulad na lang ng pagtatapon ng basura na ilang steps lang ang layo mula sa inuupuan ko. Pati pagbibili ng mga materials na biglaang hinanap ng prof namin, siya 'yong bumibili sa store sa kabilang building.
Kapag uwian naman, si Gideon ang nangunguna. He keeps on waiting for me either outside of the campus or on the ground floor of this building.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanilang dalawa. Kulang na lang ay pagtaguan ko sila dahil hindi ko alam kung bakit nila 'to ginagawa. I know I accepted Henry as my suitor again, but I didn't know it'd be like this!
"Bakit parang kulang ka yata sa tulog?" tanong sa akin ni Cielo na umupo sa tabi ko nang makapasok ako sa loob ng classroom. "Atsaka, bakit parang pagod na pagod ka?"
I glared at her. "This is all your fault," sabi ko na ikinatawa naman niya. She's part of this mess. Pa lagi niya akong iniiwan tuwing uwian kaya nawawalan ako ng choice kung hindi sabayan si Gideon na pilit nang pilit na sasabayan niya raw ako pauwi. Pati kapag nasa classroom, sinasadya ni Cielo na huwag umupo sa tabi ko kaya si Henry, upo nang upo sa tabi ko. Damn it.
"Sorry na! Gusto ko lang magka-love life ka na, 'te! Ano na? Ilang taon ka ng single. Balak mo bang tumandang mag-isa?" sarkastiko niyang sabi kaya hinila ko 'yong buhok niya.
"Kung gusto mo talagang magka-love life ako, bakit sa dalawa mo ako itinutulak? Anong gusto mong gawin ko? Dalawa silang i-entertain?!" asik ko. Paano ba naman kasi, ni hindi man lang siya pumili kung sino ba roon sa dalawa 'yong gusto niya para sa akin. Aba't ang loka, dalawa pa ang tinutulungan.
Napakamot siya sa ulo niya. "E, kasi naman! Kaibigan ko si Henry, tapos si Gideon naman, napakaguwapo kaya hindi ko maiwasang tulungan. Sige nga, sabihin mo sa akin. Paano ako makapipili sa kanilang dalawa? Kaya hindi kita masisisi kung hindi ka makapili sa kanila."
I rolled my eyes at hindi na siya kinibo. In my case, it's different. Gusto ko lang na tumigil silang dalawa sa ginagawa nila at wala akong balak pumili sa kanila. I'm not even sure kung pinayagan ko bang manligaw ulit si Henry dahil gusto ko ulit subukan o dahil wala lang akong choice? I don't know. I don't like this attitude of mine.
Dumating 'yong last subject at gaya ng inaasahan ko, tinabihan nga ako ni Henry. Nasanay na ako dahil ilang araw na ang lumilipas na ganito ang ginagawa niya sa tuwing darating na ang subject na magkaklase kami.
Nagdi-discuss 'yong prof namin nang bigla niya akong kinausap. "May gagawin ka mamaya after ng subject na 'to?"
Kumunot 'yong noo ko. Inalala ko tuloy bigla kung may project ba or activities na pinagawa sa amin 'yong mga naunang subject, pero wala naman kaya umiling ako bilang sagot. "Wala, bakit?"
"Let's go somewhere fun," aniya. Tatanungin ko na sana siya kung saan pero napalingon sa amin 'yong prof namin kaya tumahimik na lang ako.
It's frustrating. When you really want to back out but at the same time, you want to give the person a chance to try his best for you.
Nakikita ko naman na sinusubukan talaga ni Henry. Nakikita ko rin na mas nag-e-effort pa siya lalo ngayon. I just don't know how to respond.
Nang matapos na ang klase ay hinintay pa ako ni Henry habang inaayos ko 'yong mga gamit ko. Napalingon naman ako kay Cielo na kumaway lang sa akin at kumaripas na ng takbo.
"Teka--" I was cut off when Henry waved his hand in front of my face.
"I'm here. Tara na?" nakangiti niyang tanong kaya wala na akong nagawa at umalis na kami.
Pagkababa namin ng building ay roon ko lang naalala na naghihintay nga pala si Gideon sa ibaba tuwing uwian kaya nang matanaw ko siya ay halos batukan ko na ang sarili ko. Damn it.
"Kuya!" bati ni Gideon kay Henry at humarang sa harap namin. "Where are you two going?"
"Dadalhin ko lang si Reese sa circle sa Quezon City," sagot naman ni Henry kaya napayuko ako. Puwede bang lamunin na lang ako ng lupa? "Ikaw? Anong ginagawa mo rito?"
Gideon's expression changed. Naging seryoso 'yong mukha niya at napabuntong hininga. "Sakto. Yayayain ko si Reese na pumunta roon. I heard there's going to be fireworks display there tonight."
"A-Ano..." Hindi ko alam kung ano 'yong sasabihin ko. Puwede bang sabihin na lang na wala akong sasamahan sa kanilang dalawa dahil gusto ko na lang umuwi at magpahinga? Damn it. Bakit ba kasi kailangang dalawa pa talaga silang umaaligid sa akin? Ni hindi ko na nga alam kung paano ko sila kakausapin sa ganitong klaseng situwasyon.
"Apparently, ako 'yong unang nagyaya," mariin na sabi ni Henry na para bang wala siyang balak magpatalo sa kapatid.
Napasapo na lang ako sa ulo ko. "You two, puwede ba? Kayong dalawa na lang 'yong pumunta nang magkasama, tutal pareho niyo namang gustong pumunta roon, hindi ba? Huwag niyo na akong idamay."
"But--" I cut them both off.
"No buts! Stop bothering me for pete's sake. Good bye!" Nilagpasan ko sila pero sabay nila akong tinawag kaya napalingon ako sa kanilang dalawa.
"Kapag ba nagkasundo kami, sasama ka na?" sabay nilang sabi kaya napakunot 'yong noo ko. What the hell is happening?
In the end, wala rin akong nagawa. Namalayan ko na lang na nakasakay na kami ng LRT papunta sa Quezon City. Hindi nga ako makapaniwala na may kasama akong lalaki ngayon. Dalawa pa sila, on top of that.
Nag-uusap sila at pinili ko na lang na huwag makinig. I just want this to be over and just go home.
Tumunog 'yong phone ko at nang kinuha ko 'yon ay may message galing kay Ramiel. It's rare for him to text me kaya tiningnan ko kaagad 'yon dahil baka ano na.
From: Ramiel
I bumped into your dumb best friend. She told me you're with Henry. Where are you going?
Natawa ako. Dumb best friend, there's no mistaking it. It's Cielo he's talking about. Silang dalawa lang naman 'yong asaran nang asaran at parating hindi nagkasusundo.
Even though Ramiel may not look like it, but he cares for me especially when it comes to matters like this.
To: Ramiel
Pupunta lang kami sa Quezon City to watch fireworks display. Baka gabi na ako makauwi so, don't wait for me na.
Hindi na ako muling nakatanggap ng message mula sa kaniya. Kaya naman nag-focus na lang ako sa situwasyon ko ngayon.
We're now standing in front of fountains. Mayroong iba't ibang ilaw na nandoon na lalong nagpaganda sa view. Honestly, this is relaxing.
"Reese..." Napalingon ako kay Gideon at saktong pinindot niya 'yong cellphone niya at nag-flash 'yon. Magrereklamo na sana ako nang lumawak 'yong ngiti niya. "... You look perfect, so I took a picture of that perfection."
Hindi na ako nakapagsalita nang biglang magsimulang magputukan ang mga fireworks at naghiyawan 'yong mga tao. Napatingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ko 'yon kung gaano 'yon kaganda.
When was the last time I watched the fireworks with someone? A glimpse of it is still bugging my mind up until now at kahit anong pilit ko sa sarili ko na kalimutan 'yon, hindi ko magawa.
Nagulat ako nang tumayo si Henry sa kaliwa ko at sa kanan naman ay si Gideon. They were both smiling from ear to ear. How could I tell them? Paano ko masasabi sa kanilang hindi ko kayang magmahal dahil sa nangyari sa akin noon?