SIDE STORY 2: CIELO SANTILLAN

1792 Words
Cielo's POV After what happened last week on the elevator with Ramiel, I tried so hard to avoid him. Though matagal naman na talaga kaming hindi nagkikita n'on. Bihirang magtagpo ang landas namin dahil sa ICT department siya at sa kabilang building 'yon. Kaming nasa marketing management department ay bihira lang mapagawi roon dahil bawal naman kaming mag-roam around sa ibang department nang walang reason of visiting. "Cielo, magkita na lang tayo mamaya sa last subject, a," ani Blair at naghiwalay na kami sa hallway. Magkaiba kasi kami ng next subject at mabuti na rin 'yon dahil mahahalata niya na ang tahimik ko masyado lately. Natanong na niya ako one time kung ano raw ba talaga ang nangyari sa loob ng elevator at bakit daw parang may nagbago sa aming dalawa ni Ramiel. Alam daw kasi niya na hindi kami nagkasusundo ni Ramiel kaya nag-panic siya nang malamang nakulong kaming dalawa sa loob elevator at claustrophobic pa si Ramiel na nagpadagdag ng kaba niya. I told her that Ramiel was panicking and that we didn't argue. Pero hindi ko na sinabi sa kaniya 'yong buong nangyari dahil alam kong magugulat siya kapag nalaman niya na ang best friend niya ay hinalikan ang twin brother niya. I was walking, absent-mindedly when someone stopped in front of me. Napatingala ako sa kaniya at natigilan ako nang makitang si Ramiel 'yon. "R-Ramiel..." "Can we talk?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko. Ano pa bang pag-uusapan namin? I'm even surprised that he approached me, calmly. Noon, makita niya lang ako ay nakaarko na kaagad ang kilay niya at makikita mo talagang galit siya sa akin, pero ngayon ay kalmado siya at para bang may gusto talaga siyang pag-usapan. Kaso kapag naaalala ko 'yong nangyari sa elevator, hindi ko siya maharap. Paano kapag tinanong niya ako kung bakit ko 'yon ginawa at bakit sa lahat ng method na puwedeng gawin para kumalma siya ay halikan pa talaga ang napli ko? Wala akong masasagot panigurado. "May klase pa ko. Tumabi ka riyan," sabi ko at nilagpasan siya pero sinundan niya ako ng paglalakad kaya nilingon ko siya. "Bakit mo ba ako sinusundan?" "Gusto ko nga makipag-usap. It won't take a lot of your time, I promise." Pero kahit ganoon ang sinasabi niya ay nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. "Cielo, sandali--" "Ramiel, ano ba? Ayaw kitang makita, okay? Nakakainis 'yang pagmumukha mo." I rolled my eyes and ran away from him. Hindi na niya ako sinundan pa at nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. Akala ko 'yon na 'yong huling beses na kauusapin niya ako, pero nagtataka ako nang sunod-sunod na araw ay hinihintay niya ako sa hallway at pinipilit ako na makipag-usap sa kaniya na para bang 'yon lang ang gusto niyang gawin. "Wala ka bang klase? At isa pa, nasa marketing department ka. Paano kapag nahuli ka ng mga officer na nandito without a valid reason? Mayayari pati ako!" asik ko sa kaniya pero parang wala siyang naririnig. Kasi bumabalik pa rin siya at kinukulit pa rin ako. "Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako kinakausap," aniya na para bang wala talaga siyang balak na tumigil. I sighed. Ano ba kasing problema ng lalaking 'to? Before the scene on the elevator happened, he doesn't even want me to exist on Reese's life, tapos ito siya ngayon, nangungulit na para bang close kami. "Isa pang sunod mo sa akin, sige! Sisipain kita!" sigaw ko kaya napatingin sa amin 'yong ibang mga estudyante na naglalakad din sa hallway. "Stop making a fuss and just follow me--" Pareho kaming natigilan nang may tumayo sa harap namin at sabay kaming napalingon doon. "Mr. Buenavella, right?" tanong nito kay Ramiel na parang walang pakialam na tumango. Samantalang ako ay kabang-kaba na. "Who gave you the permission to come here in the marketing management department?" Nagkibit balikat naman si Ramiel. "No one." I sighed. Damn it. Bakit ako nandito sa situwasyon na 'to ngayon? Ramiela and I are both running for dean's lister, pero ito siya ngayon, dumayo sa marketing department at nahuli lang naman siya ng President ng Student Council. "You and you," sabi ng President habang tinuturo kaming dalawa. "To detention, now!" Wala akong nagawa kung hindi sumunod na lang dahil ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang maapektuhan pa ang pag-aaral ko dahil lang dito. I've never been in a detention. Kaya naiinis ako ngayon dahil papunta ako sa detention dahil kay Ramiel. Great! Wala na talaga siyang naitulong sa buhay ko, pinapalala pa niya 'yong situwasyon. Kainis! Kapag nawala talaga ako sa dean's lister dahil hindi na malinis ang record ko sa detention ay sisisihin ko talaga 'tong si Ramiel. "We're here for detention," sabi ko sa librarian dahil dito kami pinadiretso. "Linisin niyo 'yong buong library," sabi nito sa amin na lalo kong kinainis. Never in my life that I imagined I'll be cleaning a library for detention. So much for being a nuisance, Ramiel Buenavella! Wala masyadong tao sa library, siguro mga tatlong students lang 'yong naroon dahil oras din ng klase. Bukod pa roon ay masyado nang advance ang tecnology nowadays kaya bihira na magkaroon ng students ang library. And I hate the fact that Campbell's library is huge. Katumbas na ito ng dalawang classroom. Pagkatapos siguro namin 'tong linisin ay pagod na pagod na ako. "Cielo--" I cut Ramiel off. "Don't talk to me," sabi ko at bakas sa boses ko ang inis. He's the one who put me through this mess. Bakit ko pa ba kasi siya nakasabay sa elevator nang araw na 'yon? "Kung ano man 'yong gusto mong sabihin sa akin, huwag mo nang sabihin. I don't want to have anything to do with you." Lumayo ako sa kaniya at inayos ko 'yong mga libro na na-misplace at nasa maling shelf. Si Ramiel naman ay ganoon din ang ginawa pero medyo malayo siya sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. I've never really hated Ramiel this much. Hindi ko siya masisi noon kung bakit ayaw niya akong maging kaibigan ni Reese dahil hindi naman talaga maganda ang hearsay tungkol sa akin. Kesyo marami raw akong lalaki at kung ano-ano pa. Partly, the rumors are right. But he never even listen to me in the first place. Wala siyang alam tungkol sa akin yet the moment he found out what happened to Reese, he blamed me for being friends with her. Kasi raw baka ako ang nagdala ng pangyayari na 'yon sa kapatid niya. Of course he'd think that way because of the rumors about me, but he could have asked! I hate him for being just like the others. I hate him more now that he put me in this position. Asshole. I was busy putting books on its category when he stood beside me. He watched me as I put the book on the shelf, kaya pagkatapos ko 'yong ilagay ay sinamaan ko siya ng tingin. "Stay away from me," sabi ko pero parang wala na naman siyang naririnig. Sinusundan na naman niya ako kada lilipat ako ng shelf kaya hinarap ko siya at mahinang itinulak. "Ano ba kasing problema mo?" "I told you before, right? Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako kinakausap," mariin niyang sabi kaya napabuntong hininga ako. Reese, please lang, pakikuha na nitong kapatid mo dahil hindi ko na siya mapagtiisan! Damn it. I looked down for a second to think, at mayamaya pa ay tiningala ko na siya. "You want me to listen to you?" Ngumisi ako sa inis. "You told me a lot of hateful words in the past, without hearing my side! And now, you expect me to listen to you? Bobo ka ba?" Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Ngayon, wala siyang masabi dahil tama ako? That's right. Sinaktan niya ako sa mga sinabi niyang salita sa akin noon at ngayon pinahihirapan naman niya ako and I want him to realize that. "It's not about what happened in the past," aniya na lalo kong kinainis. He sounded like he doesn't even care about what I felt from that. He's invalidating what I feel and I hate him even more for that. "Then, what is it, Ramiel? Is this because of what I did on the elevator?" Hindi siya nakasagot kaya tama nga ako, tungkol nga 'to roon. He's invalidating what I felt that time and I hate him even more for that. "I'm sorry for what I did. Masaya ka na ba?" He sighed. "I'm not asking for that." Kinuha niya 'yong libro na hawak ko at siya na 'yong naglagay n'on sa shelf. "I just want to know why you did that. Bakit kahit nasaktan na kita, tinulungan mo pa rin ako?" Napalunok ako. 'Yon din 'yong tanong ko sa sarili ko. Siguro dahil kapatid siya ni Reese? O dahil normal lang na tumulong sa ganoong klaseng situwasyon? Hindi ko alam. Kahit puwede ko namang isagot ang kahit isa roon sa dalawa ay hindi ko pa rin siya magawang sagutin. "Gusto kong bumawi," sabi niya na ikinatigil ko. "I don't want to feel indebted, lalo na sa 'yo. What if you take it against me—" Hindi ko na naawat 'yong kamay ko na tumama sa mukha niya. Nasampal ko siya dahil sa inis ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Damn it! Bakit pa nga ba ako nag-expect na nagbago na siya? Hanggang ngayon, siya pa rin ang pinakatarantadong lalaki na nakilala ko. He's the worst and I hate him! "Do you really want to pay back for what I did?" tanong ko. Hindi siya nakasagot at nakahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko. "Then, let's not meet again. Huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin kahit kailan. Ayaw ko na makita 'yang pagmumukha mo. Puwede ba 'yon? Masaya ka na ba? Dahil ako, masaya ako kapag hindi na kita nakita." Naglakad ako paalis doon at sinabi sa librarian na tapos na ang detention time namin. Iniwan ko siya roon at nagtatakbo ako paalis. I wiped away my tears, ayaw kong makita niya na umiyak ako dahil doon. I feel so pathetic. Ngayon lang ako umiyak dahil sa lalaki, sa kaniya pa. Gago! Napakagago! "Cielo?" Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Reese. "Why are you crying?" Hindi ko siya sinagot at niyakap ko na lang siya nang mahigpit. Even if your brother is blaming me for what happened to your past, I will never hate you, Reese. Instead, I'll stay by your side as you heal yourself because that's what best friends do. What Ramiel didn't realize was that, I wasn't even there when Reese was experiencing those pain on her past. Walang ideya si Ramiel na nasa ibang bansa ako noon, yet he blamed me for everything. Stupid asshole.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD