Reese's POV "The number you have dialed is currently unavailable--" "s**t!" Naibalibag ko ang cellphone ko sa sobrang frustration. Wala pa akong tulog. I didn't receive any messages from Gideon. Nag-aalala na ako sa kaniya. Halos magdadalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Tinanong ko si Kaji kung nagkita na ba si Caeden at Gideon pero hindi naman daw kaya mas lalo akong nag-aalala. I can't help but to think na baka kung ano na 'yong nangyari kay Gideon. "Reese, kumalma ka. I'm sure Gideon is okay." Cielo never left my side the past days. Katulad ko, sinusubukan niya ring tawagan si Gideon. Lahat na ng puwede kong i-contact ay kinausap ko na. I asked Henry, hindi pa raw umuuwi 'yong kapatid niya at ganoon din si Kuya Jarred na gumawa na ng paraan para mahanap si Gideon n

