Chapter 15: Folding Finger Game

2182 Words
Reese's POV "Kanina ka pa tingin nang tingin sa phone mo, ano mayroon?" may laman na tanong ni Cielo. Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko na para bang gusto niyang umamin ako. "May hinihintay kang text, 'no?" It's been two weeks. Walang paramdam. I don't know why pero sa loob ng dalawang linggo na 'yon, walang araw na hindi ako nainis. Gideon is avoiding me. Tuwing nasa library ako, I'm expecting him to come but no signs of him. Kapag uwian, hindi rin siya sumasabay sa Kuya niya. I expected for this to happen after that dinner with his step mother, pero hindi ko naman inaasahan na kahit ang pangungumusta ko sa kaniya sa social media accounts niya ay hindi niya pinapansin. Naiinis ako sa sarili ko kasi hinihintay ko siya. Hinihintay kong i-text o i-chat niya ulit ako katulad nang dati bago ko sabihin sa kaniyang hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay. "Naiwan ko kasing bukas aircon ko, I texted Ramiel but he's not replying." It was half a lie. Hindi ko talaga alam kung napatay ko ang aircon ko sa kuwarto. Lagot na naman ako kay Ramiel pagkauwi ko kapag hindi ko 'yon napatay. "Reese, kilos na! Ano pa hinihintay mo? Kanina ka pa lutang, ayaw kong ganiyan ka sa game. Libero ka pa man din," sabi ni Coach. Kanina pa niya ako pinapagalitan, papunta pa lang kami rito sa Perpetual. Simula na ng intrams at next week ay Foundation Day na, kaya sobrang busy na ng school namin. "We're dragons, alright? We can do this!" sigaw ni Cielo. Sabay-sabay naming ipinatong ang mga kamay namin sa gitna at sumigaw kami. Pagkapasok namin sa gym ay punong-puno na ng mga estudyanteng nanonood ng laban. This is not new to me already, pero wala ako sa mood ngayon maglaro. Para bang gusto ko na lang magkulong sa kuwarto ko. "Reese, focus on the game." Tinitigan ako ni Cielo. Iba siya pagdating sa court. Siya ang captain at setter namin. She takes every game seriously kasi kapag natalo kami, siya ang sumasalo ng lahat. Kahit ang galit ni Coach, sinasalo niya. Inalis ko sa isip ko lahat nang gumugulo sa akin. Tama si Cielo, kailangan kong mag-focus sa game. So what if Gideon isn't texting me? So what if he doesn't want to see me? Bahala na siya. I hate him! --------- "Congrats!" Nagkamayan ang dalawang captain at bumalik na sa amin si Cielo na ngiting-ngiti pagkapasok namin sa loob ng bus. Si Coach na lang ang hinihintay namin na nakikipag-usap pa sa coach ng kabilang team. I wiped away my sweat and drunk on my tumbler. Pawis na pawis ako kakahabol sa bola. "Akala ko matatalo na tayo kanina." Nakahinga nang maluwag si Cielo. Nakadalawang set kami at muntik na kaming matalo sa pangalawa. "Tara sa Publiq?" Lumiwanag naman ang nga mukha nila nang sabihin 'yon ni Andrea. "Inom tayo, huwag kayong maingay kay Coach." Bumuntong hininga ako dahil wala naman akong balak sumama. Magkukulong lang ako sa kuwarto ko buong weekend. "Niyaya ko na si Gideon at Henry. Kayo, sino niyaya ninyo?" Napalingon ako kay Cielo nang sabihin niya ang mga pangalan na 'yon. Alam na kaya niya na nanalo kami? Will he asked if I'm angry at him for not texting me? "Boyfriend ko. Pero kaniya-kaniya tayong bayad sa iinumin natin, a!" natatawang sabi ni Solenn. "Ikaw, Reese. Sumama ka, a! 'Pag ikaw hindi sumama, sampal-sampalin kita!" Inambahan ako ni Cielo na para bang sasampalin niya ako. "Oo na! Sasama ako!" inis kong sabi kahit pa alam naman niyang wala rin naman akong magagawa. Pa lagi naman akong hindi nakatatanggi sa aya ni Cielo, e. Nang makarating kami sa Publiq nang araw na 'yon ay nag-book kaagad sila ng VIP room para sa aming lahat. Publiq is a high-end bar near Makati owned by Henry and Gideon's Father. Malakas ang kita nito dahil ang kadalasang pumupunta rito ay mga business man na gustong uminom ng mga high quality liquors. Pero ganoon pa rin, nasisinghot ko pa rin ang amoy ng alak at nakakairita sa ilong. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako sumama rito. Kanina sabi ko, magpapahinga ako, e. But here I am. I'm wearing fitted denim jeans and cream-colored sandals. Naka-croptop ako pero nakasuot din ng coat. "Tanggalin mo nga 'yang coat mo! Paano ka makakabingwit ng jowa niyan, para kang manang na balot na balot!" pang-aasar sa akin ni Cielo pagkapasok namin sa VIP room na ipina-reserve nila. Nag-ambag-ambag kami rito at ang laki ng perang nagastos. Samantalang hindi naman ako iinom. Lugi ako. Uubusin ko na lang ang pulutan nila. Our other teammates are looking sexy and attractive tonight. Sila ang mga single na naghahanap ng mabibingwit dito. 'Yong iba naman, nakasuot din ng mga damit na matatakpan ang karamihan sa katawan nila. Of course they're taken. Lagot sila sa boyfriend nila kapag nagsuot sila ng halos mahubaran na sila. Parang itong si Cielo lang. "What the hell are you wearing?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "What? Uso 'to!" She's wearing a pencil cut dress na masyadong above the knee. Cielo is sexy and gorgeous at the same time. Kaya nga halos lahat ng naka-date niya, e habol nang habol sa kaniya. She smiled at prenteng umupo sa malambot na sofa. Isinara nila ang pinto ng VIP Room at ang iba sa kanila ay kinalikot 'yong Karaoke. Andrea is texting beside me while Cielo is talking to the waiter, at mukhang pati 'yon ay hinaharot niya. Hindi na talaga nagpigil ang loka. "Enebe! Ikaw naman!" Bahagya niyang hinampas ang dibdib ng maharot na waiter na agad namang sinunggaban ang kamay niya. "Hala! Cole naman, e!" Nanlaki ang mata ko at binatukan siya. First name basis talaga? Guwapo talaga ang waiter. Actually, mukhang lahat nga ata ng waiter dito ay may hitsura. Siguro sinadya 'yon ng Dad nila Henry para maraming maengganyo. Ang mga waitress naman ay magaganda. "Um-order ka na for goodness' sake, Cielo!" sigaw ko sa kaniya kaya naman nag-order na siya. Pagkaalis ng waiter ay siya namang dating ni Henry. Kasama niya si Bryan at ang iba pa nilang kaibigan. May mga bago sa paningin ko, sinama siguro nila ang iba nilang kaibigan. "Reese!" Henry waved his hand at agad naman siyang lumapit sa akin. Nang makita siya ni Andrea ay lumiwanag agad ang mukha nito. "Henry, musta ang game ninyo? Nanalo ba?" Hindi mawala ang ngiti ni Andrea. She's really into him, huh? Nilingon naman siya ni Henry. "Panalo. Magaling ang captain, e." Humalakhak silang dalawa at ilang minuto lang ay sila na ang nag-uusap. Napailing na lang ako at lumingon sa pinto ng VIP Room. Sila lang? Where's Gideon? Hindi ba siya sumama? "He's outside. May kausap, babae." Napatingala ako at umupo sa tabi ko si Bryan. Tinakpan ko ang ilong ko dahil may hawak siyang sigarilyo. "Sino?" Para akong tangang nagmamaang-maangan kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Ayaw ko lang isipin nila na may something sa amin ni Gideon kasi wala. Wala talaga! "Gideon. He's talking with that cute waitress outside. Wanna see him?" He leaned his head on the sofa at bahagya akong lumayo sa kaniya kasi tumama ang kamay niya sa balikat ko. "A-Ayaw ko. Hayaan mo na siya." Hindi ako sanay na sobrang lapit sa akin ni Bryan. He's attractive, too. Kapantay niya ng kaguwapuhan si Henry kaya nga siguro halos pag-agawan na sila ng mga babae sa Campbell. Pinagpala raw kasi at galing sa mga makapangyarihang pamilya. But I don't see him getting close to me like right now. "Relax, Reese. I know who you are or what happened to you." Tumayo ang balahibo sa katawan ko nang sabihin niya 'yon at umakyat ang lahat ng kaba sa katawan ko. "What are you talking about?" Umiwas ako ng tingin at napapitlag ako nang dumampi ang daliri niya sa braso ko. "The sweet little good girl has something dirty within her. How funny," he whispered. Nilingon ko ang mga kasama namin dahil baka may makakita o makarinig sa amin pero malayo sila at nagkakasiyahan. Si Henry at Andrea naman, nasa kabilang sofa na at nagkukuwentuhan. "Wala akong alam sa sinasabi mo--" he cut me off. "You know what I'm talking about, Reese. You know exactly what it is." Doon ko lang naunawaan kung bakit siya ganito. He's drunk already at naaamoy ko na ang hininga niyang pinaghalong amoy ng mint, beer at sigarilyo. "Bryan." Sabay kaming napatingala nang may magsalita sa harap namin. Hindi ko namalayan na nandito na pala siya sa loob ng VIP Room. Masama ang tingin niya kay Bryan at nakapamulsa ito. "Get your hand away from her." Itinaas ni Bryan 'yong dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. "Chill, Dude. Nagkukuwentuhan lang naman kami ni Reese, 'di ba?" Tumango na lang ako bilang sagot at tumayo na siya. Umalis siya sa tabi ko at pumunta sa iba nilang kaibigan. Para naman akong nabunutan ng tinik, but I'm still wondering what Bryan knows about me. Isa lang ang nasisiguro ko. He knows me way back for him to know about my past. Gideon's jaw tightened na para bang inis na inis na siya. Umupo siya sa tabi ko at hindi kami nagsalita. Cielo is singing while the others are drinking. Nagkakatuwaan sila habang kami rito ay hindi man lang kumikilos sa sofa. Para kaming estatuwa. "I know you're angry," he uttered. Finally, he started a conversation. Akala ko sabay pa kaming magpapanisan ng laway rito. "Alam mo naman pala. Bakit mo pa ako kinakausap?" Gusto kong malaman niya kung gaano ako kagalit. What happened on their house and how he treated Tita Eloiza was wrong. We both know she just cares for him, but he doesn't like that she cares kaya tinutulak niya si Tita Eloiza palayo. Nanatili siyang tahimik habang naka-lean pa rin siya sa head ng sofa. Para malibang ay kumuha ako ng junk food at kumain na lang. Pero natigilan ako nang agawin niya sa akin ang hawak ko at hinila niya ako paharap sa kaniya. "Talk to me." Nagkasalubong ang mga mata namin at halos maghuramentado na naman ang puso ko habang tinititigan ko siya. Para akong nawalan ng lakas sa uri ng titig niya sa akin. "You showed that kind of attitude in front of me. What do you expect me to do, Gideon? I can't be friends with you--" "Tama ka! I can't be friends with you too, Reese. Because every time I look at you, I want more! I want more than what we are! Gusto ko na higit pa ro'n. So, I'll stop pretending to be your friend. Because I like you, a lot that I can't sleep at night." Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. There are guys who confessed their feelings to me. Pero bakit ganoon? Sa lahat ng pag-amin na narinig ko, his confession sounded so affectionate that it makes my heart pound even more. Nanghihina ako sa uri ng titig niya sa akin at pakiramdam ko, binabasa niya ang iniisip ko ngayon. "Gideon..." Wala akong masabi. Gusto ko lang na titigan siya habang nagsasalita siya at mas lalo akong nangangamba. Kasi kilala ko ang sarili ko. At itong nararamdaman ko kapag kasama ko siya, this is not just a plain feeling. It's more than that. "Kakakilala mo pa lang sa akin," sabi ko pero umiling siya. "Does it matter? Kahit naman kung noon pa lang tayo nagkakilala, I'd still like you. Reese, I like you. Una pa lang, gusto na kita." Bawat salitang lumalabas sa bibig niya, wala akong makitang pagbibiro o ano pa man. Ang brown niyang mata ay nakapako lang sa akin. Magsasalita na sana ako nang sumigaw si Cielo. "Laro tayo, guys! Folding finger game! Walang kj, a! Lahat tayo sasali! Kung sino ang maunang maubos ang daliri, siya ang magbabayad sa next case ng beer!" Pumalibot kami sa table. Si Henry nasa kaliwa ko, habang si Gideon naman ay nasa kanan. Nasa harap namin si Bryan na nakatitig sa akin at nakangisi kaya sa iba na lang ako tumingin. "Fold your finger down kung uminom na kayo ng alak tonight," sabi ni Cielo at lahat sila ay nagtiklop ng kamay maliban sa akin. "Fold your finger down kung parte ka ng any sports team." Ngayon naman ay si Gideon lang ang hindi nagtiklop. "Ang boring ng mga sinasabi mo!" natatawang sabi ni Bryan. "Ako na lang! Fold your finger down if you like someone in here. Inside this VIP Room." Tinitigan niya ako at umismid siya. Nag-asaran ang iba dahil ang iba ay binaba ang daliri nila. Henry folded his finger and laughed. Tinitigan niya ako at ngumiti siya. "Wait, pati ikaw Gideon?" tanong ni Cielo kay Gideon na nagtiklop nga ng daliri niya. Nakatingin lang siya sa akin at hindi pinansin ang tanong ni Cielo. Gusto ko na lang umalis at alam ko na ang sunod na itatanong ni Bryan. "Fold your finger down if you like Reese. In a romantic way." Bryan winked at me at sabay-sabay silang napatitig sa magkapatid. Gideon and Henry folded their finger. f**k this game.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD