Reese's POV
I was so pissed the moment I enter our classroom. Na-late ako dahil sa lalaking 'yon. Kinausap pa kasi ako kaya nang mag-oral exam kami ay minus fifty points na raw ako sabi ni Sir P na nagkataong Accounting ang itinuturo at major subject ko pa. Seriously, fifty points? Nakahihinayang.
To think na dahil sa Gideon na 'yon ay mababawasan ako ng ganoon kalaki sa major subject ko. Sarap manuntok ng lalaki.
Magkaklase kami ni Cielo sa isang major subject namin, Essential Management. Kaya ikinuwento ko sa kaniya 'yong sinabi sa akin ni Gideon, nagsisigaw naman kaagad siya na para bang nanalo siya sa lotto. O, hindi ba't baliw?
"Punta tayo!" Hinila niya 'yong braso ko at inuga ako. Sarap din suntukin ng isang 'to, e. Paano ba naman, kapag masaya siya, nananakit. Parang tanga.
"Punta ka," pamimilosopo ko na ikinasimangot niya. Bakit ba naman kasi kung nasaan 'yong taong iniiwasan ko ay roon pa niya gustong pumunta? She knew Henry's there.
Bukod sa ayaw kong makita si Henry, mas lalong ayaw kong makita ako ng pamilya niya. 'Yong Mommy niya, galit sa akin 'yon panigurado.
Botong-boto siya sa akin para kay Henry, tapos wala akong ibang ginawa kung hindi i-turn down 'yong anak niya. Sino ba namang ina ang matutuwa na paulit-ulit sinasaktan 'yong anak niya, 'di ba?
"Sumama ka na kasi! Ganito na lang, para hindi ka naman masyadong maburyong doon, isama na lang natin si Andrea. Ano, game?" pamimilit niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero mukhang wala siyang balak magpatalo. "Tapos irereto natin siya kay Henry. O, 'di ba? Win-win situation 'to. Makakikilala si Henry ng bagong kababaliwan at kapalit n'on, hindi mo na siya kailangang iwasan. May jowa pa ang kaibigan natin!"
I sighed. Inuuto lang ako nito ni Cielo. Pero tama naman siya. Henry should really look for another girl now. Para naman hindi na kami magkaroon ng awkwardness sa tuwing magkikita kami.
Si Andrea 'yong isa naming kaibigan na ibang course ang kinuha. She took BS Psychology. Hindi ko alam kung ano ang trip ng babaeng 'yon sa buhay niya. Siguro ay nagsasawa na siya sa mukha namin ni Cielo kaya humiwalay siya.
"So, ako? Anong gagawin ko roon? Taga-cheer sa love life niyo?" sarkastiko kong tanong na ikinatawa niya. Nagkibit balikat siya at saktong dumating na 'yong prof namin.
Pero bago pa bumalik si Cielo sa seat niya ay lumapit muna siya sa akin at bumulong, "'Yan ang napapala ng allergic sa mga lalaki."
Natawa ako pero natahimik. I don't hate all men in the world. Sadyang ayaw ko lang sa mga lalaki na ginagawang laruan ang mga babae. But to be exact, wala pa kasi akong nakilalang lalaki na walang habol sa mga babae. Once they got what they want, they'll leave. 'Yon yata ang motto ng karamihan sa mga lalaki.
Sa last subject, kaklase namin si Henry. Niyaya niya rin kami sa bahay nila kahit pa awkward pa rin hanggang ngayon ang situwasyon namin. He's trying his best to get back our old friendship, so should I. Gusto ko na rin mawala ang awkwardness sa pagitan namin.
Sabi niya ay may simpleng handaan daw kasi birthday ng Daddy nila, pero akam ko namang kapag sinabi niyang simple, e kabaliktaran 'yon.
Mayaman sila at ang simple sa kanila ay buffet. Um-oo kaagad si Cielo without even asking for my opinion ko. Hindi man lang nagdalawang isip ang loka porque inimbiyahan siya ni Gideon.
"Great! Sumabay na kayo sa amin ni Gideon mamaya. Susunduin kami ni Kuya," anyaya ni Henry sa amin. If I remember it right, 'yong Kuya na tinutukoy niya ay si SPO2 Jarred Perez. He's a police officer.
I avoided my gaze. "Hindi na. Tatlo kaming pupunta, nakakahiya—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang putulin ako ni Cielo.
"Ako, hindi mahiyain. Sige, sasabay kami. Kung puwede sana, tabi kami ng kapatid mo." Ngumisi siya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero nag-make face na naman siya. Ang harot.
Nang mag-uwian na ay kasabay namin si Henry na naglakad palabas ng campus. Ang daming estudyante ang kasabay naming lumabas kaya nagkatutulakan 'yong iba. Naiilang pa rin ako sa presensya ni Henry at alam kong ganoon din siya sa akin. Kaya nasa pagitan namin si Cielo habang hinihintay namin makalabas 'yong mga students sa harap namin.
Sakto namang nag-text sa akin si Andrea na nasa labas na raw siya at naghihintay sa amin. I was busy typing a text when someone yelled, "Kuya!"
Napalingon kami sa sumigaw at doon namin nakita si Gideon na mukhang kakatapos lang ng klase. Naglakad siya palabas sa amin at umarte na parang naiinitan siya. "Ang init! Ang babaho niyo!" sigaw niya kaya nagtawanan 'yong ibang mga estudyante.
Ang init kasi talaga at sumabay pa 'yong barubal na mga senior high students na walang modong nakikipagsiksikan.
"Siraulo ka talaga, e!" Binatukan siya ni Henry at sabay pa silang nagtawanan. Napalingon naman ako kay Cielo na halos hindi na nagsasalita at nagba-blush 'yong pisngi niya. Ay, o. Pakitang tao.
Gusto ko siyang sabunhtan. Hindj bagay sa kaniya ang tahimik. Pagkalabas namin. namataan na namin si Andrea na naghihintay sa amin.
Nagtatakbo siya palapit sa amin at halos magningning ang mga mata nang makiya si Gideon at Henry. Mga kaibigan ko, ang lalantod.
"Malapit na raw si Kuya," sabi ni Henry habang nagte-text sa cellphone niya. Naghihintay kami sa tabi ng kalsada. Hindi ko alam kung bakit ako sasama sa mga ito kahit na ako lang itong mag-isa.
"Hi, I'm Gideon," rinig kong pagpakikilala ni Gideon sa sarili niya kay Cielo.
"Cielo." Ang lwak ng ngiti niya at hindi ko na lang maiwasang mapailing. "Kilala kita, crush kita dati, e."
Ito ba 'yong mahiyaing side ni Cielo? Parang hindi naman. Umamin pa talaga siya na crush niya dati si Gideon. Napalingon naman ako kay Andrea at Henry. Nagtatawanan sila at mukhang nagpakilala na rin sila sa isa't isa. Good for them.
Hindi ko na rin inasahang kauusapin pa ako ni Henry dahil sa ginawa ko sa kaniya. Pero mukhang tagumpay ang plano dahil nag-uusap na sila ni Andrea. I hope things work out for them.
Mayamaya pa ay may tumigil na sasakyan sa harap namin. The window of the car went down. "Pasok na," nakangiting sabi ni Kuya Jarred na nakasuot pa ng police uniform niya. Mukhang kagagaling niya lang sa trabaho.
Umupo ako sa passenger's seat kasi ako lang naman ang walang partner sa kanila. Pero nagtaka ano nang lumapit si Gideon sa bintana kung nasaan ako nakaupo at dinungaw si Kuya Jarred.
"Kuya, ako magda-drive," aniya at kumindat na para bang may pinaplano siya.
"Ikaw, bunso, a. Umayos ka. Katabi mo si Reese," sabi sa kaniya ni Kuya Jarred na mayamaya pa ay lumabas na at ibinigay kay Gideon 'yong susi. Nagtataka pa rin ako kasi silang dalawa ni Cielo 'yong magkausap pero tumabi siya sa akin.
Napalingon ako sa likod, si Henry at Andrea ay nagkukuwentuhan pa rin. Si Cielo naman, nakabusangot pero ngumiti rin nang tumabi sa kaniya si Kuya Jarred. Walang pinipili, basta guwapo.
Bumalik ang tingin ko kay Gideon na nakatingin din pala sa akin. "What are you doing? You're supposed to accompany my best friend."
Natawa siya nang mahina. "Uupo ba ako rito kung siya 'yong gusto kong makilala?" sarkastiko niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"I don't ger you, sabi mo ipakilala kita kay Cielo," sabi ko at binuhay na niya 'yong makina ng kotse. Pero bago pa siya magmaneho ay nilingon niya ako.
"Well, I did tell you that I want to meet your best friend, but the truth is..." Nagsimula siyang magmaneho then he smirked. "... It's my way to get close to you."
It was there that I realize that Gideon is one of those guys I should avoid. Not because he's trying to hit on me, and not also because he's getting into my nerves. But because there's something in him that makes me wonder what's going on inside his head, and for me?
Being curious about men is dangerous. It's like playing with fire. The more you play along, the more you get burn.