Chapter Three : Invite
___________________________________
CLEO
TINITIGAN kong mabuti ang ibinigay ni Rick sa aking mga papeles. Hindi parin ako makapaniwala sa natanggap kong impormasyon.
"Are you sure about this, Rick?" hindi makapaniwalang tanong ko.
I can't believe this! Kung isa lang itong panaginip ay kailangan ko nang magising. No way in hell this will be true!
"100 percent sureness, Dude," Rick said confidently. "I can't believe it either. Pero hindi naman kataka-taka kung bakit may gustong magpapatay noon sayo. You came from a multi-billionare family, Cleo. You are a heir. Hacienda del Rio is one hell of a big ranch in the Philippines and you are a Montenegro."
"I can't believe it! This might be wrong," giit ko.
"Why don't you find it yourself, Cleo? Bakit hindi ka pumunta sa Hacienda del Rio?"
"Yeah, right. At anong gusto mong sabihin ko pagnakita ko sila. Hey, Mom and Dad, I'm your long lost son. I didn't die for what you think," sarcastic na sabi ko..
Nagpakawala naman nang malalim na buntong hininga si Rick bago bumaling sa akin. At inisa-isang nilapag ang mga litrato ng mga totoo kong magulang at pamilya. Itinuro naman nito sa akin ang ama ko which is Nicholas Alvaro Montenegro, the devil lawyer. I heard a lot of things about him. From being a ruthless lawyer who really excel in his field. He's also a bussiness tycoon.
"This is your Father, Cleo. And from the looks of it you have a lot of similarities. Well except for the eyes. Because your eyes...." he paused and pointed another picture who happened to be my mother, Zheena Swine Montenegro. "You get it from your Mother. A green one."
He pointed again the two remaining pictures which happened to be my brother and sister. They are Shaveen and Rewane Montenegro.
"Look at your brother Shaveen. He looks exactly like you. And this one, your Sister is gorgeous, Dude. "
Naningkit naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya.
"You are married, Rick!" paalala ko sa kanya. Tumawa naman siya dahil sa sinabi ko.
"I know, Dude. And I love my wife. I just want to knock some senses in your brain. You are Alyzander Veen Montenegro for godness sake, Cleo! The first born of Nicholas Alvaro Montenegro!"
" Baka mali lang ang impormasyong ito."
"Ano pa ba ang mali sa ibinigay ko sa iyong impormasyon? Si Hearfilia Rodriguez ang nag-utos sa tumayong ama mo na ipapatay ka. Kaya ka nagawang dukutin ni Tito Steve ay dahil sa pagmamahal nito kay Ms. Rodriguez but he didn't really killed you dahil natakot siya. May galit si Heartfilia sa totoo mong mga magulang because Heartfilia happened to be your biological dad's ex-girlfriend. Hindi nito matanggap na mas pinili nang 'yong ama ang 'yong ina kaysa sa kanya kaya nagplano siyang ipapatay ka upang magdusa ang mga magulang mo. But Heartfilia now was in jail and died for almost three years dahil hindi kinaya ng katawan nito ang mamalagi sa loob ng kulungan. Kaya pala tumakas noon si Tito Steve at nagtungo sa States kasama ka because he was afraid to rot in jail just like Ms. Rodriguez. Tito Steve must be thankful with that b***h dahil hindi nito idinawit si Tito. Sadyang inako nito na siya lang mag-isa ang may kasalanan. Now what are you planning to do?"
Nanghihinang napasandal naman ako sa headrest ng upuan. I don't know what to do or what to think. Nang hindi ko pa alam kung sino talaga ang totoo kong mga magulang ay alam ko pa kong anong gagawin ko. But now that I already know ni wala manlang gumagana o sumasaging plano sa isip ko.
"I don't know, Rick. But for now, I really have to go. I still have an appointment."
"Pag-isipan mong mabuti, Cleo."
Tumango naman ako sa sinabi niya. Tumayo na ako at sabay kaming lumabas ng opisina ko. I still have to meet this Sabrina Cole Cullen which Nissa recommended me to date. Siguro kailangan ko munang ayusin ang problema kong ito bago ko ayusin ang problema ko sa totoo kong pagkatao.
Nang makarating ako sa Celine's Restaurant ay pumasok agad ako sa loob at nagtungo sa pina-reserve kong table. Good thing she's already here. I look at the woman sitting confindently wearing a long and slender red dress. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot na damit. She look so sophisticated and stunningly beautiful. No wonder she is a model. This is definitely my type.
"Hi, have you waited for long?" nakangiting bati ko sa kanya.
Umupo ako sa kaharap na upuan at binalingan siya. She smiled to me genuinely which can melt every guys knees.
"Actually not," nakangiting sagot nito. "I just arrive ten minutes ago. And I think it's a bad thing for a guy to make a woman wait on a late dinner."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang dahil sa sinabi niya. For godness! I like this woman for having some sense. And I think I already find a girl suitable to be my wife. She's perfect for me.
"You must be Ms. Sabrina Cole Cullen, right?" I asked. She nodded.
"The one and only," she said confidently.
Impit na napamura ako sa isip ko. I smirked devilishly thinking that I already found a solution in one of my problems.
"So let's start the discussion," nakangising pahayag ko. She nodded in return.
Nagsimula naman kaming mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay. Lalo na sa planong ipinahayag ko sa kanya. And she agreed with it. Naiintindihan naman daw niya. Sa lahat nang mga nakausap at nakaharap ko siya lang yata ang kakaiba. She's fun to be with. Lahat yata nang hinahanap ko sa babae ay nasa kanya na.
"So that's it!" I said with finality. "The wedding will happen in the second week of next month in Las Vegas so it will be easy for us to file a divorce in the end."
Her lips ceased for a gentle smile. Bahagyang hinawi nito ang kaunting hibla nang buhok na tumabing sa mukha niya bago sumagot sa sinabi ko.
"Okay. I think I should ready myself for that, Mr. Sevillio. And it's nice talking to you," she said in a business like manner. Napangiti naman ako nang dahil doon.
"So do I."
Nakangiting tumayo na ako at ganoon din siya. Lumapit siya sa akin. She planted a kiss on my right cheeks before saying goodbye. Nang makalabas na siya ay agad kong inilabas ang cellphone ko at tinawagan si Nissa to give her the good news. Nakakailang ring palang ako ay agad na may sumagot sa kabilang linya.
"If you will tell me to find another girl again, dam-----"
"There's no need, Nissa," putol ko sa sasabihin niya. Hindi ko na napigilang tumawa lalo na't sa ginawang pambungad niya sa akin. Halatang inis na inis na ito sa mga pinapagawa ko sa kanya. "I already got one. I like her."
"Finally!" she exclaimed on the other line. Narinig ko pa siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga. "Wala nang sakit sa ulo ko!"
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. But I can't deny it to myself when I felt a little pain in my chest when she said those words. God, what's happening to me? I guess I might miss her kaya ganito nalang ang pakiramdam ko.
"I will see you tommorow," excited na sabi ko.
"There's no need for us to see each other. I've already done my part."
"I will see you okay.."
"Whatever. Bye."
Binabaan naman niya agad ako nang tawag. Napapailing na natatawa nalang ako sa aking sarili. Nakakarami na siya sa akin, uh. Hindi ko na nga lubos maisip kung ilang ulit na niya akong binababaan ng tawag. But I wouldn't mind at all. For now I felt okay.
I already solved one of my problem.
______________________________________
NISSA
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang marinig kong umugong ang tunog ng cellphone ko sa buong kwarto. Kaagad na dinampot ko naman ito sa ibabaw nang bedside table kung saan ko ito ipinapatong. Sino na naman kaya ang tatawag sa akin ng ganito kaaga?! Iniistorbo pa ang pagtulog ko!
"Hello," I answered without looking at the name of the caller.
"Nissa Nissin, Good Morning!" Ang matiis na boses ni Rewane ang agad na narinig ko. I groaned in disbelief. Pati ba naman ang pangalan ko ay dinudugtungan niya nang ganito?! My name is not a food brand!
" Ano'ng kailangan mo, Wane? Ang aga-aga nambubulabog ka."
"Ay, ganoon?" natatawang tanong nito sa kabilang linya. "Gusto ko lang sabihin sayo na susunduin kita diyan mamaya."
"What?!" I exclaimed. Parang tuluyan yatang nagising ang aking diwa.
Ano na namang kalokohan ang pinaggagawa ng babaeng ito?
"Eh, huwag ka ngang praning diyan Nissa Nissin..."
"Will you please stop calling me that. My name is only Nissa, Wane. Not Nissa Nissin.Parang brand naman ako ng mga biscuit na yan, eh! "
"Aisus, ang aga-aga ay highblood ka. Sabi ko nga susunduin kita. Since next month pa naman ang alis mo pauwing States at two weeks ka pang magsta-stay dito ay gusto kitang ipasyal sa Hacienda ko.."
"Wane, naman alam mong hindi puwede. Sa susunod na ngalang, diba? Nagpromise naman ako sa iyo, eh."
"Please, wala ka na namang gagawin, eh. Sige na. Sige na. Sige na. Sige na. Sig---"
"Oo na. Oo na!" Maaga yata akong tatanda sa babaeng 'to.
"Yes!" tili nito. "Maghanda ka na diyan, Nissa, dahil within one hour nandiyan na ako. Make it fast sa pag-iimpake ng mga damit mo dahil kapag hindi...." she paused telling me a warning. "Ako ang pipili ng damit mo sa mall and I know you wouldn't like it."
" Oo na nga. Sige, bye! Mag-iimpake pa ako."
Binabaan ko na siya agad nang tawag. Hindi ko rin namang magawanv tumanggi sa kanya. Sobrang napakakulit niya talaga. I stood up from bed and do my daily routine every morning. Kailangan kong magmadali. The last time she brought me a dress it's so very embarassing. Sino namang magsusuot ng damit na halos kita na pati kaluluwa mo? I'm a fashion designer but that's out of my league.
Napatingin naman ako sa mga gamit na dadalhin ko. Nandito ako ngayon sa sala at hinihintay ang pagdating ni Rewane. I only wear my blue cotton shorts and a pair of blue shirt. I tied my hair in a ponytail. I think I need this break also. Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa ranch. Nang makarinig ako nang katok mula sa pinto ay nagmamadaling binuksan ko ito. I think she's already here.
"Ang tagal mo na-----Cleo, anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ko nang siya ang mapagbuksan ko nang pinto.
"I told you yesterday that I will see you," he said reminding me.
Kumunot naman ang noo niya nang makita ako. Tinitigan niya akong mabuti mula ulo hanggang paa. Naningkit naman ang mga mata ko sa ginagawa niyang paninitig.
" What's with that look?" inis na tanong ko.
"It's just that you wear something tight and shorts short..."
" What?!" I exclaimed. Anong problema niya sa suot ko?
"Nevermind," he stated. "Hindi mo manlang ba ako papasukin?"
Minsan talaga hindi ko maintindihan ang katok sa ulo nang isang 'to. Ang sarap niyang itapon at ipakain sa bermuda tentacles. Pumasok ako sa loob ng bahay at sumunod naman siya sa akin.
"Ano ang sadya mo at naparito ka?" tanong ko sa kanya nang makarating kami sa sala. Hindi naman niya pinansin ang tanong ko at matalim na binalingan ang mga gamit kong naka-impake.
"You're leaving?" gulat na tanong nito.
"No," agarang sagot ko. "May pupuntahan lang ako. Just a two weeks vacation."
Nakakunot ang noong bumaling siya sa akin. Kanina ko pa napapansin na parang ang sama ng pagkakatingin niya sa akin at parang wala ito sa mood. Dapat nga maging masaya na siya kasi nakahanap na siya nang babaeng pakakasalan niya. I felt a tingle pain in my chest with that thought. What's happening with me? I should be happy. Wala nang panira sa buhay ko.
"While wearing that outfit?" inis na tanong nito. Napairap naman ako.
Malamang naman, diba? Hacienda ang pupuntahan ko. Malamang naman na magsuot ako nang gown doon.
"Yes."
"You should change," he ordered.
Napapiksi naman ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. Hinila niya ako patungo sa kwarto.
"Teka, ano ba! Bitiwan mo nga ako! Hindi ako magpapalit ng damit. I'm comfortable with this," apila ko.
"Well, I'm not. So go and change," giit nito at pinagtulukan ako sa loob.
"Ano ba! Sabing ayoko, eh. Hindi ko na problema kung ayaw mo sa dam------"
Hindi ko naman natuloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa harap ko si Rewane at ang kapatid nito, Shaveen Montenegro.
"Bestfriend Nissa!" sigaw ni Rewane na halos ikabingi ko.
Tumakbo siya palapit sa akin. I felt Cleo stiffened kaya agad na bumaling ang tingin ko sa kanya. He look shocked. Bakit naman siya magugulat?
Hindi ko namalayan na niyakap na pala ako ni Rewane kaya niyakap ko narin siya pabalik.
" I miss you, Nissa Nissin!" she said and giggled like a child.
"Stop calling me that, Wane. And I miss you too."
Humagikgik naman siya nang tawa at kumalas sa pagkakayakap sa akin. Dumako ang tingin nito kay Celo at sandaling nagulat nang makitang may kasama ako mukhang sa sobrang pagmamadali niya ay hindi manlang niya namalayan na hindi ako nag-iisa. They have the same eyes. It's a green one. Well, hindi naman siguro kataka-takang may mga tao talagang magkapareho nang kulay ng mga mata lalo na't kung may lahi kayong banyaga.
"Who is this guy, Nissa?" tanong naman nito sabay turo kay Cleo.
"He's Cleo. He's just a friend," sagot ko.
"Well, why don't we invite him also," masayang usal nito. Nagulat naman ako nang bigla nalang kumapit sa braso ni Cleo si Wane. Cleo stiffened. His muscles look tense. Nakaramdam naman ako nang kaunting inis dahil sa nakita.
"Please, sumama ka sa amin sa Hacienda. Marami kang papasyalan doon," pakiusap nito.
Sandaling napipilan si Cleo dahil sa ginawa ng kaibigan ko ngunit agad din naman itong nakabawi. Nagpakawala nalang siya nang malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"Alright," pagpayag nito. Ngumiti ito sa kaibigan and Rewane giggled like a child. Kumalas na ito sa pagkakahawak niya kay Cleo at agad na lumapit sa Kuya nito upang hilahin sa kinaroroonan namin.
"This is my Kuya Shaveen," pakilala nito sa kapatid. "And I am Rewane. It's nice to finally meet my bestfriend boyfriend." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"He is not my boyfriend! " I hissed. Tumawa lang sa akin si Rewane at lumapit sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako.
"Tara na bestfriend, Nissa. Mauna na tayo sa car. Naka-ready na 'yong private plane na sasakyan natin sa airport. "
Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga at nagpahila sa kanya. Kahit kailan talaga parang hindi nagma-matured ang isang ito.
-
♡lhorxie