This is the last chapter. Happy Reading. Chapter Thirty : What I Can Do ______________________________________ NISSA "Well, well, tignan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi ko na pala kailangang magpakahirap ulit na bumuo nang plano kung papaano ka ulit mawawala sa landas ko dahil kusang lumalapit sa akin ang pagkakataon." Kinilabutan ako lalo na sa pamamaraan ng pagsasalita niya. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko habang unti-unti siyang lumalapit sa kinaroroonan namin. May kinuha naman siya sa bag niya at nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ito. Baril?! Oh gosh, bakit may dala-dala siyang baril?! "Nababaliw ka na, Sabrina!Hindi mo puwedeng patayin si Nissa!" galit na sigaw naman ni Brent dito. Nakangising binalingan ni Sabrina si Brent at itinutok ang baril dito. "Well

