This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are neither the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission
----
A HOUSE WITH HEARTTHROBS / HEARTTHROBS IN ONE ROOF (BOOK 2)
SEQUEL AND PREQUEL
Warning!
Sobrang iba po ito sa unang novel. Huwag po kayong madismaya—sa unang atake ay medyo seryoso pero sisiguraduhin kong may saya pa rin sa susunod na mga kabanata.
Maraming salamat po sa mga naghintay! Especially sa mga nangungulit sa akin na nasaan na raw ba ang Book 2.
Ito na po guys! Salamat po sa walang pag-suporta!
Baka magkalibro na soon ang A House With Heartthrobs. I-expect niyo na po baka may ilan na mababago sa nangyari, o baka may madagdag kung sakali.
-----
"Siya pa rin ba ang nasa isip mo?" Tanong ni Rosella habang pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa playground.
Ilang taon na ang nakalipas pero hindi sa mawala sa isip ko si Kaoree. Wala na kong balita sa kanya simula ng lumipat kami ng bahay.
Ayaw ng kapatid kong babae na manirahan sa isang apartment at gusto niyang kasama ang pamilya. Kaya naman nagdesisyon si Papa na kumuha ng bahay malapit sa kanyang eskwelahan.
"Kahit kailan hindi siya nawala sa isip ko." Sagot ko kay Rosella. Madalas akong magkwento kay Rosella ng tungkol kay Kaoree. Hindi ako masyadong nagkwe-kwento sa mga kaibigan ko ang tungkol sa kanya.
"Malapit ka ng magkolehiyo pero siya pa rin ang nasa isip mo. Mag d-dalawang taon na rin tayo T.H. Ano bang mayroon sa babaeng 'yon?" Namaos ang kanyang boses. Tinitigan ko siya. Magkahawig silang dalawa pero hindi ko maatim na gustuhin si Rosella.
"Hindi ko rin alam." Maikli kong sagot.
Nagbalik-tanaw ako sa alaalang hindi ko kayang kalimutan. Dito sa palaruan na ito, nagsimula ang lahat. Nagkilala kami nu'ng lumayas ako sa bahay dahil sa hindi pagkakaintindihan ng mga magulang ko. Sa katunayan, tanggap ako ng nanay ni Thylene kahit anak ako sa labas.
Kahit gano'n pa man ayokong tumira kasama sila. Mas pabor sa akin ang simpleng pamumuhay. Si Mama lang ang mapilit dahil palaging rason niya ay kinabukasan ng buhay namin. Pumayag lang ako dahil alam kong dun din siya sasaya.
Tanda ko pa ng nakipagsuntukan ako sa mga batang nandito. To the rescue si Kaoree ng panahon na iyon. Simula ng araw na iyon, naging magkaibigan kami. Ako ang patpatin na si Taddy at siya si Kaoree na maganda.
Labing-dalawang taong gulang lang ako ng maramdaman ko ang puppy love na tinatawag. Madalas ko siyang ihatid noon sa kanto malapit sa kanila at nagtatago ako kapag nakikita kong nakaabang sa malayo si Jez. Minsan akong nakita ng nanay niya. Pinagsabihan ako na bata pa kaming dalawa.
Alam kong bata pa kami kaya hindi ako umaamin sa kanya at bukod pa roon ay may iba siyang gusto kaya hindi ko rin sinabi. Mas bata sa akin si Kaoree kaya hindi ko alam kung anong tingin niya sa akin. Baka kasi pang-Kuya lang ako.
Ang tanging nasa isip ko lang ay masaya akong kumakain ng tusok-tusok sa hapon kasama siya. Madalas niyang itanong ang tunay na pangalan ko. Noon, nahihiya akong sabihin sa mga tao ang totoong pangalan ko.
Ayokong malaman nila na isa akong Manzriel at bastardo akong anak. Ang mga kaibigan ko simula pagkabata-sila lang ang nakakaalam ng tunay kong pangalan. Sa katunayan, ang Taddy kong palayaw ay para lang kay Kaoree.
Matapos ang ilang taon, Senior Highschool na ko at Junior Highschool siya. Sinubukan kong puntahan ang eskwelahan kung saan siya nag-aaral. Mas gumanda siya kumpara noon, humaba na rin ang buhok niya. Ang paborito kasing haircut ni Kaoree noong bata pa kami ay apple cut.
Mas pumuti ang balat niya at bahagya siyang tumangkad. Masaya akong makita na kahit papaano ay may kaibigan siyang kagaya ni Jez. Wala pa rin siyang pagbabago masiyahin pa rin siya at maganda.
Madalas lang akong nakatingin sa kanya sa malayo. Hindi ko siya magawang lapitan dahil wala pa rin akong lakas ng loob.
Lihim lang na lang akong nagpapadala ng bulaklak sa kanya—isa sa mga kaklase niyang babae ang madalas kong utusan. Sa pagkakatanda ko ay Monique ang pangalan niya.
Nagpapasalamat ako dahil kahit pa-paano siya ang naging tulay para mapasaya ko si Kaoree. Pero balita ko ay nasaktan si Kaoree ng isang lalaki.
Hindi man daw sila close ni Kaoree, pero alam niyang hindi binanggit ni Kaoree kay Jez ang nangyari. Sa panahon na iyon, alam ni Kaoree na hindi maayos ang lagay ng pamilya ni Jez kaya nagkwento na lamang daw si Kaoree sa kanya.
Pinangako ni Monique na walang sinuman ang makakaalam nito. Pinangako ko rin kay Monique pabalik na hindi iyon makakarating kahit kanino.
Kapalit ng pakiusap ko kay Monique na padalhan si Kaoree ng bulaklak, sulat at tsokolate ay ang paggawa ko ng assignments niya, at minsan ay pera para sa pambili ng gamot ng magulang nito.
Kahit minsan sobra ang bigay ko sa kanya. Kahit kailan hindi ko nalaman ang pangalan ng lalaki. Pero ang sabi niya sa akin ay halos hawig ng pangalan ko ang pangalan niya.
Kung sinuman ang lalaking iyon—kung makita ko man siya ay sigurado akong matitikman niya ang kamao ko.
Natigilan na lang ako na magpadala kay Kaoree ng mga kung anu-ano ng nalaman iyon ni Mama. Ayaw niyang malaman ni Papa iyon dahil kalokohan lang daw ang ginagawa ko.
Isang buwan niya kong hindi binigyan ng baon kaya nag-working student ako panandalian. Sinikap ko pa rin na makipagbigay kahit pa-paano kay Kaoree pero ang sabi sa akin ni Monique ay lilipat na siyang eskwelahan.
Wala na rin akong nagawa ng binantaan ako ni Mama. Kapag nalaman niya ang pangalan ng babaeng kinahuhumalingan ko ay tiyak na sisirain niya ang buhay nito.
Tuluyan na kong naglaho sa landas ni Kaoree kahit masakit sa akin.
Hanggang sa nakilala ko si Rosella anak ng isang mayamang nagmamay-ari ng oil company.
Sinet-up kaming dalawa ng Papa ko sa isang dinner date. Sinabi ko kay Mama na hindi ko kayang siputin ang date na iyon. Pero nagalit siya, nakasalalay sa akin ang sarili kong kinabukasan at ang mabigat na pasanin na maging tagapagmana ng kumpanya.
Kailangan kong pantayan si Thylene o higitan 'tun ang batas ni Mama. Walang kahihitnan ang pagiging mahina kapag may ambisyon ka.
Nang sinipot ko ang date, laking gulat ko. Akala ko nu'ng una ay si Kaoree ang kaharap ko. Pero nang magsalita na siya ay nanlambot ako.
Gano'n pa man, para sa pamilya, nakipagdate ako sa kanya. Sinubukan kong lumabas kasama siya pero wala akong maramdaman.
"Pupunta akong States. Saka, 'di ba susunod ka?" Pinulupot niya ang braso niya sa akin.
"Hindi ako makakasunod at alam mo kung bakit." Tinitigan ko siya ng mariin.
"Pero nag-book na ako ng ticket para sa flight nating dalawa! Aalis na ko next week at after a month. Ikaw naman! Nag-usap na kami nina Tito at Tita about dyan." Nagsalubong ang kilay niya at kinagat ang pula niyang labi.
Malamang talagang papayag ang mga magulang ko sa gusto niya.
"Dito ako masaya. May school na kong papasukan." Matigas kong sambit.
"Gusto ko rin linawin na wala na tayo." Dagdag ko.
Tumayo siya at pinaghahampas ako. "I hate you! I hate you, T.H! Paasa ka!" Nag martsa siya pasakay ng kotse. Nagmwestra ako sa driver niya na mag-ingat sila. Naiwan na lang akong mag-isa dito sa palaruan hanggang sa inabot ako ng dapit-hapon.
Bago umuwi ay nagkape muna ako sa malapit na coffee shop. Matapos nito ay nakareceive ako ng text galing kay Thylene na pinauuwi akong bahay ni Papa. Hindi ko naubos ang aking kape dahil ang sabi nito ay urgent daw.
Nagkotse ako kaya mabilis lang ang biyahe. Mula sa higanteng gate ay ramdam ko ang tensyon. Parang alam ko ang ganitong set-up. Nagmadaling akong pumasok sa loob kaya mabilis kong naiparke ang aking kotse Nakatayo sila sa living room kaya naman don ako pumunta.
Babati palang sana ako sa aking Papa pero iba ang ipinahiwatig ng mga mata niya. "Anong ibig mong sabihin na hindi ka pupunta sa ibang bansa kasama si Rosella!?'
"Nandito ang pangarap ko. Hindi niyo ko mapipilit at mas lalong hindi niyo ko mapipilit na magustuhan siya." Sinuntok ako ni Papa, pumutok ang labi ko. Si Mama ay nasa tabi ko at halos maluha ang mata.
"Baka nakalimutan mong hindi lang buhay mo ang nakasalalay sa pagsugal natin sa pamilya ni Rosella kung hindi ang buong kumpanya." Paliwanag nito ngunit halatang kumakabog ang dibdib niya.
"Hindi ko kaya." Maikli kong sagot ng di tumitingin sa mga mata niya.
"Ayoko munang makita ka kaya kung pwede Thaddeus, lumayas ka muna. Bago mawala ang pagtitimpi ko sayo." Igting ang panga ni Papa matapos na bitiwan ang mga salitang iyon.
Matapos nito ay hinakot ko ang sarili kong mga gamit. Madali lang naman akong kausap. "Nak, humingi ka ng sorry sa Papa mo." Pagmamakaawa ni Mama.
"Wala akong dapat ihingi ng tawad." Taas-noo kong sambit at sa matigas na tono.
"Pwes! Mas bagay ka sa bahay na kung saan puro alikabok para magtanda ka sa mga desisyon mo." Aniya Mama. Matapos nito ay lumakad siya palabas ng kwarto ko.
Mas okay ng hindi makasama ni Rosella. Mas pabor sa akin ang pansamantalang matakwil ng pamilya. Hindi ko rin naman kayang ituring na tahanan ang bahay na ito.