NATALIA'S POV
"Sus! Hindi daw boypren! Ito talagang si ate, nagdedeny pa eh!"
sabay kaming natawa at nilingon si biboy ng sumingit siya.
Ang kulit din talaga ng batang ito eh.
"Tapos ka na?" tanong ko na lamang habang ang tingin ay nasa kaniyang leeg.
"Hm? Opo maam—"
natigilan siya ng masama ko siyang tiningnan. "Sabing Nat na lang eh." agad kong saad kaya napangiti siya.
"Sorry, sorry." natatawa niya pang sambit.
"Maka alis na nga! Maghahanap din ako ng jowa." singit ni biboy at naglakad na paalis.
"Hoy bata ka pa ah! Sumbong kita sa nanay mo!" saad ni Cadmus pero hindi siya pinansin ni biboy. Kumaway lang ito sa amin habang hindi tumitigil sa paglalakad.
"Tara na?" anyaya niya sa akin kaya mahina akong tumango at pinasadahan siya ng tingin.
"Nagbihis ka pala." pahayag ko habang naglalakad kami sa baywalk. Napangiti pa ako ng bahagya siyang natigilan at nahiya dahil napansin ko iyon.
"Oo, nakakahiya naman kung ililibot kita tapos amoy pawis ako." napapakamot sa uli niyang sambit. Natawa ako dahil doon.
Hindi naman eh!
"Mabango ka pa din naman kahit pawisan." wala sa sarili kong sambit.
Shit! Nakagat ko ang sariling dila ng masabi iyon! Dapat sa isip ko lang iyon eh bat ko nabulalas?! May pilyong ngiti na pumaskil sa kaniyang mga labi kaya napanguso na lamang ako. Totoo din naman kasi, kahit pawisan siya kanina ay mabango padin. Amoy na amoy ko ang natural niyang amoy! Nakaka adik nga iyon eh!
Nagsimula na niya akong nilibot and I was more amazed sa kaniya kesa sa mga pinupuntahan namin. Dahil sobrang dami niyang kilala!
Lahat ng pinupuntahan namin ay may bumabati sa kaniya at binabati niya din pabalik.
"Girlpren mo, Cadmus? Naks! Akala ko ba walang puwang ang pag ibig sa buhay mo? HAHAHA!" saad ng isang kakilala niya. Sa tantiya ko ay kaedaran niya iyon, which means mas matanda lang ako ng isang taon.
"Hindi, Onyok. Tumigil ka nga diyan, baka mahiya ang kasama ko." nakangiting saad ni Cadmus at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi na ako nagulat sa sinabing iyon ng tinawag na Onyok ni Cadmus dahil sa bawat kakilala ni Cadmus ay iyon ang palaging tingin nila sa akin. Girlfriend niya daw.
Yes, kanina pa magkahawak ang mga kamay namin. Hindi niya binibitawan eh! Hinayaan ko nalang kasi masarap naman sa pakiramdam heheh.
Ang landi mo Nat! Studyante mo yan!
agad kong iwinaksi ang sinabing iyon sa isip ko. Ayaw kong masira ang gabi ko ngayon. Mamaya ko nalang iisipan yun!
"Hi miss! Ako nga pala si Onyok, kaibigan nitong si Cadmus. Nayz to meet chu!" masigla nitong saad at naglahad ng kamay sa aking harapan. Nasa public market na kami ng makasalubong namin siya kaya napatigil kami sandali.
Makikipagkamay na sana ako ng mabilis na hinawakan ni Cadmus ang kamay ng kaibigan niya at siya ang nakipagkamay doon. Natawa tuloy ako.
"Grabe! Seloso ka pala pare?" nakangusong reklamo ni Onyok na tinawanan lang ni Cadmus.
"Mauna na kami, madami pa kaming lilibutin eh!" natatawa niyang saad at marahan akong hinila.
"Nice to meet you too, Onyok!" pahabol kong saad dahil mukhang hindi naman tama kung wala akong sasabihin sa kaniya. Kinawayan ko na lang siya kaya kumaway din siya ulit.
Huminto kami sa tapat ng isang kainan. Medyo malawak iyon at ang bawat mesa ay nasa loob ng parang tent. Iyong tent na kadalasan ay makikita mo sa terminal ganun. Atip lang ang meron at apat na bakal na nakatayo, nagsisilbing tukod sa atip na trapal. Maganda tingnan dahil iba iba ang ilaw ng bawat tent depende lang sa gusto ng customer.
"Magandang gabi ho, aling Maring." pagbati ni Cadmus sa ginang na tingin ko ay siyang may ari nitong kainan.
"Uy! Ikaw pala iyan Cadmus! Kakain ba kayo? Anong gusto mo? At nakuu! Mabuti naman at may girlpren kana! At ang ganda pa ah!" matinis ang boses ng ginang kaya napangiti ako.
Kumain kami ng hapunan doon at ang sarap ng pagkain infairness! Next time, dadalhin ko dito si Angela. Mura kasi ng mga ulam tapos masarap ang pagkakaluto. Sobrang sulit! Si Cadmus ang nagbayad sa kinain namin, nahihiya nga ako kasi siyempre ako na nga ang tinotour niya tapos siya pa pinagbabayad ko!
"Ayos lang Nat, may kita naman ako ngayong araw eh." pinal niyang sambit kaya hindi na lang ako nagpumilit.
"Thank you. Next time babawi ako." saad ko na lamang at ngumiti.
"So, may next time pa? Mauulit pa to?" nakangiti niyang saad kaya natigilan ako.
Next time? It won't hurt naman diba? Ang sarap niya din kasing kasama eh.
'Masarap din siya?'
Napairap ako dahil sa naisip kong iyon. Anong masarap di ko pa nga natitikma— huy! Sobrang landi ng pukinang ina na yan!
"Siguro?" nakangiti kong saad bago tumayo na sa upuan. Ganun din ang ginawa niya pero niligpit niya muna ang pinagkainan namin.
Ang bait naman ng batang ito.
Hindi naman na talaga kailangang gawin iyon since may mga waiters ang waitress na maglilinis sa mesa kapag umalis na ang customers, pero siya ay ginawa padin iyon. Nahiya tuloy ako kasi hindi ko talaga gawain iyon.
We're enjoying our time habang naglalakad at nagkukwentuhan sa mga bagay na nakikita ko ng bumuhos ang malakas na ulan. s**t!
"Oh my god!"
"Oh s**t!"
sabay naming bulalas at mabilis na humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at sabay kaming tumakbo papunta sa terminal. Malapit lang kasi kami doon since naisipan na naming umuwi dahil mag aalas nwebe na din ng gabi.
Hindi ko napansin ang oras eh..
Paanong mapapansin eh nag eenjoy ako?
"Hoo!"
Hinihingal ako ng tuluyan kaming makarating sa terminal. Nagkatinginan kami at sabay na natawa dahil sa mga hitsura namin. Damn! Bahagyang nabasa ang aming mga damit!
"Kailangan na nating makauwi agad dahil baka ginawin kana." sambit niya agad kaya napanguso ako.
"Hindi naman ako madaling ginawin eh." sagot ko at umayos ng tayo. Napatukod kasi ako kanina sa aking dalawang tuhod habang hinahabol ang hininga samantalang hindi man lang hiningal si Cadmus!
Edi wow! Siya na ang healthy! Ang bilis ko din talagang hingalin eh, siguro dahil hindi ako mahilig mag exercise.
"Ayaw mo pang umuwi?" nakangisi niyang tanong at kumuha ng bimpo sa kaniyang bulsa. Maayos ang pagkakatupi nun, hinawakan niya ang kanang braso ko at dinampi dampi doon ang bimpo dahil basa iyon. Lihim akong napangiti sa mga gestures niya.
Palagi kong napapansin iyon, he's so gentle. At sobra kong naaappreciate ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya.
"Gusto. Sabi ko nga uuwi na tayo." natatawa kong saad. Ganoon din ang ginawa niya sa kaliwang braso ko. Pagkatapos ay mabilis ko ding hinablot ang bimpo at ginawa sa kaniya ang ginawa sa akin. Pinunasan ko din ang basa niyang mga braso.
Hindi ko maiwasang napalunok dahil sobrang laki ng mga yun! Batak na batak jusko po! Ang tigas! Mabilis kong ipiniling ang aking ulo ng may pumasok na malaswang imahe sa aking isipan.
My goodness Natalia! Maghunus dili ka nga at mas matanda ka sa kaniya!
Pagkastigo ko sa aking sarili.
Pagkatapos ng ginagawa ko ay mabilis na nag arkila ng tricycle si Cadmus. Sa loob ng tricycle ay dikit na dikit kami dahil sa laki niya. Jusko naman! Ang sarap pa namang yumakap dahil hindi pa tumitila ang ulan. Malamig ang panahon tapos sakto dahil ang init init ng matigas niyang katawan!
Walang nagtatangkang gumalaw sa aming dalawa habang nasa biyahe. Nang makarating sa tapat ng bahay ni Angela ay nagbayad muna kami habang nasa loob pa din ng tricycle dahil sobrang lakas ng ulan!
"Tatakbo tayo papasok sa mga bahay natin." anunsiyo ko at napatingin sa labas.
"Ihahatid kita sa loob ng bahay niyo, Nat." napalunok ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga ng magsalita siya. Natulos ako sa aking kinatatayuan dahil sumilip din pala siya sa labas!
"S-Sige.." sagot ko na lamang at hinanda ang sariling tumakbo palabas. Dahan dahan akong lumingon at sinilip si manong driver.
"Salamat po manong ah!" saad ko, ng makita ang pagngiti at pag tango ni manong ay mabilis akong lumabas ng tricycle at tumakbo papunta sa gate ng bahay. Mabilis ang kilos kong tinanggal ang lock ng bakal na gate. s**t! Ang tagal pang matanggal ng hayup na lock na yun!
Basang basa na ako!
"Tangina neto!" hindi ko napigilang bulalas. Yakap yakap ko pa ang aking bag dahil baka mabasa at nandoon ang aking cellphone!
Narinig ko ang mahinang tawa ni Cadmus sa aking likuran at hindi nagtagal ay naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. Tinanggal niya iyon at siya na mismo ang pumihit pihit ng lock. Ng mabuksan iyon ay sabay kaming tumakbo papunta sa bahay.
"Basang basa na tayo pareho!" nakanguso kong saad at umirap. Tumawa na naman siya at luminga linga, kaya nagwisik ang tubig sa kaniyang buhok.
Napaawang ang aking labi ng makita iyon. Hayup! Sobrang gwapo niya!
Bakit ang hot niya habang ginagawa iyon? Damn!
Napakagat labi na lamang ako bago kinalkal ang bag at kinuha ang susi ng bahay. Mabilis ko iyong nabuksan at hinarap si Cadmus na nakatingin na pala sa akin.
"Hindi ka ba papagalitan ng mama mo niyan? Teka, sinong magbubukas sayo niyan? Baka tulog na sila?" nag aalala kong saad. Napalabi siya at tila hindi mapakali. Kumunot tuloy ang aking nuo dahil sa napapansin sa kaniya.
"Ayos ka lang?" tanong ko. Tumalikod siya sa akin at huminga ng malalim.
"Oo, a-ayos lang Nat." mabilis niyang sagot pero nakatalikod padin. Nilalamig na ata siya eh.
"Sige na, teka kukuha lang ako ng payong sa loob. O pumasok ka kaya muna?" anyaya ko pero mabilis siyang umiling. Mas mabilis pa sa alas kwatro. Napabuntong hininga na lamang ako at mabilis na pumasok sa loob at kumuha ng payong.
"Eto oh, isauli mo nalang yan bukas." saad ko at nilahad ang payong sa kaniya. Humarap siya sa akin at hindi ako matitigan.
Anyare ba sa isang to?
"S-Siguro ano, magbihis kana Nat. Basang b-basa ka eh." saad niya at nauutal pa. Kunot nuo tuloy akong napatingin sa aking sarili at nanlaki ang mga mata ko ng makitang super bakat pala ang suot kong pulang bra! Puting blouse kasi ang suot ko kaya— s**t!
Napasinghap ako at mabilis na pinag krus ang dalawang braso at biglang nag init ang aking buong mukha. Jusko po! Kaya siguro hindi siya makatingin sa akin dahil baka nalalaswaan!
"O-Oo nga! Sige! Bye!" mabilis kong sambit at kumaripas ng takbo sa loob ng bahay. Pumasok agad ako sa banyo pagkarating sa kwarto at napatampal na lamang sa nuo ng makalimutan kong magpasalamat sa kaniya.
Ano ba naman yan Nat!
Mabilis akong naghubad ng saplot at napadaing ng maramdaman ang maligamgam na tubig mula sa shower. Mabuti na lang at may heater yung shower eh. Napatingala ako at sa pagpikit ng aking mga mata ay mabilis na pumasok sa aking isipan ang gwapong mukha ni Cadmus.
Fuck!
Mabilis akong nagmulat at natigilan. Bakit naman siya pumapasok sa isipan ko!
Umiling iling ako at nagpatuloy na lamang sa pagligo. Pero hindi nagtagal ay nandoon na naman siya kaya napasabunot na lamang ako sa buhok at kinagat ng madiin ang pag ibabang labi. Mabilis kong tinapos ang pagligo ng magsimulang mag init ang aking pakiramdam dahil sa naisip.
Nag suot ako ng roba at paglabas ko ng banyo ay kumunot ang nuo ko ng may nag door bell.
Sino yun?
Baka si Angela?
Iyon agad ang pumasok sa isip ko dahil baka may kukuning importanteng dokumento kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at tinungo ang pintuan. Ngunit sa pagbukas ko nun ay ang matikas na likod ng lalaking kanina pa pumapasok sa aking isip.
"Cadmus?" gulat kong tanong. Nilingon niya ako at mabilis na pumasada ang tingin niya sa aking suot. Hindi ko na napuna iyon dahil basang basa padin siya!
"Nat..."mahina niyang saad at kita ko ang paglunok niya. Binuksan ko nga malakinang pinto.
"Tulog na sina nanay, hindi ata ako marinig sa loob dahil sa lakas ng ulan." pahayag niya habang hindi makatingin sa akin. Nairita tuloy ako doon. Sobrang laswa ko ba talaga tingnan to the point na hindi siya makatingin?
Tsk.. kanina pa siya ah!
"Halika muna sa loob." anyaya ko dahil malamig sa labas tapos basang basa pa siya. Nakita ko ang pagdadalawang isip niya kaya umirap ako at mas lalong nainis.
"Ayaw mo? Pasensya na kung malaswa ang hitsura ko, kalaligo ko lang kasi at akala ko si Angela ang—"
"Hindi naman sa malaswa, Nat." pinutol niya ang sinasabi ko at humakbang papalapit kaya napaatras ako. Huminga siya ng malalim pero inirapan ko siya at sinubukang tumalikod pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Dali na, baka magkasakit kana niyan dahil kanina ka pa basa." saad ko na lamang.
"Hindi malaswa, Nat." pag uulit niya sa malumanay na boses. Oh well, mukhang hindi naman siya nilalamig sa hitsura niya.
Hindi ako sumagot at umirap na lamang. Hindi daw malaswa pero hindi ako matingnan.
"Hindi ka naniniwala." pahayag niya kaya napabuntong hininga ako.
"Sige na, Cadmus. Basang basa ka oh, bitaw na hahapan kita ng pwedeng masuot. Dito kana magpalipas ng gabi, may guest roo—"
nanlaki ang mga mata ko ng sa isang iglap lang ay nakalapat na ang malamig niyang labi sa mga labi ko.
What the f**k?!
Anong...
My mind went blank nang agad na gumalaw ang kaniyang labi at naramdaman ko ang kaniyang mainit na dila.