NATALIA'S POV "You mean, kaya niya unti unti ng naaalala ang nakaraan niya dahil nakita niya ako?" tanong ko sa kaharap naming doktor. Tumango ito at tipid na ngumiti. "Yes, Mrs. Montenegro." Nagulat ako sa sinabi niya at nanigas sa aking upuan. "Ahm, hindi po ako Mrs. Montenegro —" "Hmm? Not yet. Pero hindi ako papayag na hindi ka magiging Mrs. Montenegro, love." malambing na sambit ni Cadmus at hinawakan pa ang kamay ko. Nandito kami ngayon sa ospital, kausap namin ang doktor ni Cadmus tungkol sa kondisyon niya. "Pero doc, sumasakit po ang ulo niya kapag may mga imaheng pumapasok sa kaniyang alaala. Hindi po ba iyon makakasama sa kaniya?" tanong ko ulit dahil mukhang walang balak magtanong si Cadmus sa doktor niya at nakatitig lamang sa akin. "No, Mrs. Montenegro. The pain

