"Gusto mo pustahan tayo?" natatawa kong bulalas habang nakahiga na. Sumampa siya sa kama at tinitigan ako. "Anong pustahan naman?" taka niyang tanong, kunot na kunot ang nuo. Ngumisi ako bago nagsalita. " Kung sino ang unang bibigay!" sambit ko at tumagilid ng higa paharap sa direksiyon niya. "Wala akong pera." mabilis niyang saad. "At sigurado akong talo na ako, ang lakas mo mang akit ma'am!" dagdag niya pa kaya umikot ang mga mata ko. "Duhh? Edi galingan mo din sa pang aakit sa akin. Malay mo naman.." nang eengganyo kong sambit. Umiling iling siya at humiga na din. "Ang kj mo naman!" bigla kong saad at ngumuso. Hmp! Sobrang seryoso naman kasi ng isang to eh! Mas matanda mga ako kesa sa kaniya! Naging tahimik kaming dalawa ng ilang minuto. Pero nagulat ako ng binasag niya ang

