CADMUS' POV "Tangina tulala kana naman pare." Napagitla ako dahil sa sinabi ni Caleb sabay tapik pa sa aking balikat. "Ha?" wala sa sarili kong tanong at napatitig sa aking mga kasamahan. s**t! Halos patapos na silang kumain habang ako hindi pa nakakapagsimula. "Pasensya na. Pwede naman kayong mauna sa classroom pagkatapos niyong kumain." seryoso kong saad at iginalaw na din ang pagkaing nasa harapan ko. Nandito kami ngayon sa canteen ng skwelahan, naglalunch. "Ano ba kasing nangyari sayo, Cad? Noong isang linggo ka pa ganiyan ah. Tulala at tila wala sa sarili. My god! Palagi ka na ngang pinapagalitan ng instructors natin eh!" bulalas ni Andra habang may nag aalalang tingin na ipinukol sa akin. Napailing iling ako at mapait na napangiti. "Wala to. May problema lang sa bahay." ka

