NATALIA'S POV Napakagat labi ako habang pinagmamasdan siyang inaayos ang gitara. "Wag kang mag eexpect sa boses ko, Nat. Sabihin mo lang kung masakit na sa tenga ha?" malumanay at natatawa niyang saad. "Okay!" nakangiti kong tugon. Ngumiti siya at nagsimula na sa kaniyang mahinang pagkaskas ng gitara. Kumunot ang nuo ko dahil hindi ako familiar sa tugtog ng kanta pero hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siya. Excitement rushed through my every veins. This moment is so f*****g romantic for me. Eto ang tunay na old but gold, ang haranahin ka ng taong mahal na mahal mo. Feeling ko lalabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito. " Uso pa ba ang harana?~ Marahil ikaw ay, nagtataka..." Mahina akong napasinghap ng marinig ang malalim, buo at malumanay niyang bos

