Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay naming magkahawak. Ang laki laki ng palad niya! Sakop na sakop nun ang aking mga kamay. Magaspang ang kaniyang mga kamay, alam kong dahil iyon sa pagtatrabaho niya at nagaganahan akong hawakan iyon. My man is a responsible and a hard worker person and I am so proud of that. "Ang dami ng tao! Kawawa naman ang disco nila dahil ang mga tao ay nandito sa perya." bulalas ko. Nauna na sina Alexis at Angela, nagparinig pa nga na sila na daw ang mag aadjust para magkaroon kami ng time eh. Natawa siya at dinala ang aking palad sa kaniyang mga labi, a small gesture na sobrang tumatagos sa aking puso. Hinalikan niya ng tatlong beses ang likod ng aking palad kaya napangiti ako. "Alin diyan ang gusto mong unahin natin?" malambing ni

