"What the f**k? Cadmus!" napatili ako ng bigla niya akong binuhat at mabilis siyang naglakad papunta sa dagat. "Anong ginagawa mo? hey! Ayaw ko pang lumusong!" sigaw ko ng lumusong siya sa dagat at agad na nabasa ang aking katawan. Napahawak ako sa magkabilang balikat niya at matalim siyang tinitigan. Pagtingin ko sa dalampasigan ay malayo na kami kaya agad akong nagpanic. "Cadmus hindi ako marunong lumangoy!" natataranta kong saad at nanlalaki ang mga mata. Pumulupot ang dalawang braso ko sa leeg niya at ganun din ang ginawa ng dalawang binti ko sa bewang niya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Cadmus kaya bahagya ko siyang sinabunutan. "Relax ma'am. Hindi naman kita papabayaan eh." nakangiti niyang sambit kaya medyo kumalma ako. Napansin ko ang pag ikot niya sa malaking bato na

