"Good morning.." napataas ang aking tingin ng marinig ang baritonong boses na iyon ni Cadmus. Nandito kami ngayon sa restaurant at nagbebreakfast. It's still very early, alas sais pa lang ng umaga kaya kami pa lang ang customer dito. "Good morning." pagbati ko sa kaniya at napangiti. Sabay kaming napatingin sa aming anak na nakayuko lamang at napatigil sa pagkain ng marinig ang boses niya. I already explained everything to him and I know he understands it, all of it. Kanina pa siya tahimik at tila malalim ang iniisip, ayaw ko namang istorbuhin siya kahit gustong gusto ko ng malaman kung anong iniisip niya. Maagang umalis si Nathan dahil nagka emergency ang kompanya, supposedly sabay kaming aalis ng resort mamaya eh pero nauna na siya dahil didiretso pa siya sa kompanya. "Good morni

