NATALIA'S POV "No, no, no. You can't come, baby! Hindi pwede, hindi ako papayag!" asik ko at napailing iling pa. Napanguso ang asawa ko at mabilis na tumabi sa akin. Nandito kami ngayon sa living room ng bahay namin. Isang buwan lang kaming nanatili sa shoe island dahil isang buwan lang talaga ang plano naming honeymoon. It's already four months since we got home at pitong buwan na akong buntis. Two months na kasi akong buntis noong dumating kami sa isla, well hindi pa masyadong halata ang tiyan ko noon pero nung nag apat na buwan ay biglang lumubo ang tiyan ko talaga! Nagulat nga ako pero hindi ko mapigilang mapaiyak nun dahil feel na feel ko na talaga ang pagbubuntis ko. Medyo nahihirapan na din akong maglakad dahil sa mala bola ko ng tiyan but thankfully Cadmus is literally everywhe

