Pinanindigan nga ni Adam ang kanyang salita. Ang Adam noon ay unti unting bumalik kay Paige. Ang mapagmahal, sweet at maalagang Adam. Masaya si Paige dahil dun, kaya naman todo iwas siya sa mga ayaw ng asawa lalo na kapag lalake ang napag-uusapan. Iyon kasi ang tanging nakakapagpainit s kanyang ulo that leads to hurting her. Hindi malaman ni Paige noon kung bakit nagkakaganun ang asawa pero ngayon ay maliwanag na sa kanya. Mahal siya ng asawa at ayaw niyang maagaw siya ng iba sa kanya. Mahal din niya si Adam kaya kahit kamartiranang pananatili niya noon sa piling nito, kahit na nakakasakit minsan ay tinitiis niya para sa kanilang anak na si Jazmin. Si Sander naman ay balik trabaho na bilang abogado sa dating Law Firm na pinapasukan. Kagaya ng sinabi ni Martin ay iniwasan nga niya si Paige

