Pumasok sina Adam at Paige sa trabaho na parang walang pananakit na nangyari. Gaya ng dati ay dala-dala si Jazmin sa trabaho. Medyo nahihirapan si Paige sa sitwasyong ganito dahil trabaho at anak ang pinagsasabay niya araw-araw. Ayaw naman kumuha ni Adam ng mag-aalaga dito. Balak sana niyang iiwan ang anak sa mga magulang niya ngunti tutol din ang asawa. Mabuti na lang ay mabait din si Carol na tumitingin sa kanya paminsan minsan. "Kamusta ang baby namin." salubong ni Carol kay Jazmin pagkarating nila. Agad niya itong binuhat saka pinaghahalika. Dumiretso naman si adam sa kusina para ihanda ang mga kakailanganin nila. "Handa na ba ang lahat?" tanong ni Paige sa kaibigan at kasosyo na din. "Oo. Maaga akong pumunta dito eh. So anong sabi sa 'yo ni Adam tungkol sa nangyari kagabi? Hindi ba

