Manica POV Sino naman istorbo sa panaginip ko.Akmang pipikit ulit ako dahil muling kumatok sa labas ng pinto. "Ah? Lintik na hinayupak na ito, iniinis talaga nya ako," galit na mura ko dito. Bumangon ako at binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin ang katulong ko. "Ma'am, kakain na po?" wika nito sa akin. "Ang sabi ko wag nyo' ako gising," untag ko dito. Lumapit ako dito sabay hila ng buhok nito. "Dahil pinutol mo, ang panaginip ko sa' yo, ko na lang ibuntong ang galit ko!" wika ko dito. "Ma'am, tama na po' masakit!" iyak nito. "Yan dapat sa' yo, babae kapag inulit mo pa, hindi lang iya ang gagawin ko sa' yo!" seryoso kong sabi dito. "Sorry po, hindi na maulit!" mahinang sabi nito sa akin. "Ang ayaw ko sa lahat paulit-ulit ako magsabi. Ito tandaan nyo, oras na ginalit nyo ako!"

