Chapter 24 Friday the 13th "Eira! You look beautiful! Alam mo bang ang anak ko ang namili niyan?" Nakangiting saad ni tita Claud. Nahihiyang ngumiti ako bago umiling. Si Cupid ang pumili ng damit ko? I'm wearing white gown na ang laylayan ay kulay pink mahaba ito, at pa ekis ang design sa likod ng gown ko. Nakasuot din ako ng white gloves, para talagang isang prinsesa. "I still can't believe that my son did this. "Si tito Cipen iyon na nakahawak sa baywang ni tita Claud. "Mukhang natalbugan tayo ng anak mo. "Naiiling na komento ni daddy. Natawa naman sila mommy at tita Claud dahil doon. "Mom, dad. Tita, tito. "Lumapit si Cupid saamin. Kaagad niyang ipinulupot ang isang braso sa baywang ko. "Hi baby. "Hinalikan ako nito sa pisngi na ikinangiti ng mga magulang namin.

